Sarili muna

Lyrics: John Elvis Narisma Music: John Elvis Narisma Yeah Let's Go! Angas ng beat Nemz, akin na lang to ah
Yeah! Pareng Elbiz
Ba't ko ibibigay sa ibang tao ang responsibilidad ng aking kasiyahan kung ako nga kapos pano 'ko makakaabot kahit gusto kitang mabiyayaan
Pano ko aayusin mundo mong giba? Kung sarili kong mundo sira-sira Saking nakaraang karanasan, tsaka ayoko rin naman na hahainan kita ng tira-tira
Kaya natuto ng pumreno, bago ko dumeretso mag-rereflect, gawin ang best ko, para maging presko bago ko i-alay sayo sarili at i-reto makuha mo deserve mong halaga na walang presyo
Dahil mo di mo mabibigay ang anumang wala ka imbis na may mapapala baka lang lumala pa pag pinilit ang buhay humanda ka lumalapa ang tadhana ng mga taong walang takot sa karma
Sarili muna Sarili muna Sarili muna Aking pasasayahin
Sarili muna Sarili muna Sarili muna Ang aking mamahalin
Habang ikaw ay sumusulong, gusto mong makatulong matulak rin silang mga nalipasan ng gutom mabahagian kahit pano ng taglay mo na dunong ngunit bakit tila na masama pa ang yong dulot
hahatakin mo pataas, (pataas!) hihilain ka pababa (pababa!) Ikaw pa ang mangangapa kung pano ka lulugar, mainam pa na maglayas (layas!)
Pano magmahal kung sa sarili nga'y walang pag-ibig Pano magtiwala kung sarili nga'y wala sa isip Pano magliwanag sa iba kung ako'y nasa lilim kasagutan ay nakita nang sa salamin napa-titig
mata sa mata, kaming dalawa at aking naalala na laging kaming dalawa lang magkasama, sa tuwing napipiga ng kapalarang walangya, kaming dalwa pala'y isa kaya
Sarili muna Sarili muna Sarili muna Aking paaangatin
Sarili muna Sarili muna Sarili muna Ang aking papasanin
Sarili muna Sarili muna Sarili muna Aking pasasayahin
Sarili muna Sarili muna Sarili muna Ang aking mamahalin
Kung di mo ako ma-gets ay pwede kang umales No to drama at sa stress Sarili ko ang the Best
Kung di mo parin magets? Bat di pa umaales? No more drama, more success Sarili mo ang the best!
Yeah! Pareng Elbiz You're the man Ang lupit mo
I'm a fan now I'm a fan now Yeah, yeah, yeah 50Hertz Beats