Music: Melissa Corpus
Laging nagtatanong sa sarili
Ano ba ang kulang sa akin
Bakit sadyang kay ilap?
Di ako ang pinipili
Hanggang ikaw ay nakilala
Pinasaya mong bawat araw
Laging may ngiti sa 'king labi
Ikaw na ba ang tinadhana
Sabihin sa 'kin
Ang 'yong damdamin
Ako ba'y kaibigan mo
O minamahal mo na
Aking dalangin
Ikaw ang pinili
Ng Diyos para sa 'kin
Sana ay 'yong dinggin
Lumipas pa ang mga araw
Ikaw ay mas nakikilala
Sinabi mo sa akin
Ayaw mong mawala sa king piling
Ngayong inamin
Ang iyong damdamin
Na ako'y minamahal
Natupad ang aking dasal
Aking dalangin
Ika'y manatili
Pang habang buhay
Dahil ikaw ang pinili
Ohh... ohh
Lahat ng tanong
Ay nasagot ngayon
Lahat ng kulang
Ay binuo ng panahon
Sabay nating lalakbayin
Mundo hawak pag-ibig natin
Giliw
Ikaw ang pinili
Sagot sa dalangin
Ngayon ay narito
Nangangako sa 'yo
Ikaw na ang dulo
Kabiyak aking puso
Di ako mawawalay
Hanggang sa kabilang buhay
Sa yo mananatili
Dahil ikaw ang pinili