Lyrics: Joe Marie Punzalan
Music: Jhom P.
Basta kahit ano pa man yan, tuloy lang.
Sadyang ito'y parte na yata ng ating kasaysayan,
May nakapagsabi sakin bakit hindi ko raw hayaan,
Ano nga bang magagawa kung yun ang nakasanayan.
Marahil pagsunod nalamang ang tanging kailangan,
Ng isang ikaw sa makamundong paligsahan.
Maliban sa ika'y may alam anong pakinabang,
Aanhin ang buhay kung salapi raw ang tanging yaman.
Salamat at mapagpatawad ang makasalanan,
Ganon ka rin pasok dahil kapwa mararanasan.
Sa aral na napulot sa kada labas ng tahanan,
Lamang ang hugot kesa dukot mas naunawaan.
Laging sinasabing ingat bago ka lumakad,
lipad kapatid,
Basta iwasan mong sumayad papanik.
Mabilis ang panahon di na mababalik,
Yakapin ng buo at sa noo mo ihalik, Walang kapalit.
Tulad ng hangin malaya pa nating nalalanghap, Samakatuwid nasagip ng pagtanggap.
Paghilom ang nalasap, sa kada bakas ng pagbagsak.
Nahilot gumaan, nalibot ang daan, pansin ko sa ganap.
Nalimot ang mali ko't naisip na dapat tandaan,
Lilipas ang lahat panibagong bukas ang haharap.
Kayat sang-ayunan ang sa ngayon sa naghahanap,
Parehong kilos ang wastong sagot sa nagbabalak.
Lakad, bawat laban dapat lamang na handa kang
Makipagsapalaran,
Nasayo ang limitasyon ikaw ang patakaran,
Itoy isang imbitasyon maniwala ka lang.
Makapangyarihang salita tila ba mahika lang,
Walang tong balak huminto, nagpahinga lang
Panibagong yugto ng pahina inyong tunghayan,
May laman 'tong baon kong dala makinig At Buksan.