Lyrics: Raven Reyes/Archie Malate Music: Raven Reyes/Archie Malate Sa tuwing dadaan ka’y Naiiwan ang halimuyak ng iyong ganda Mata mong mapang-akit May mga pahiwatig na sundan kita
Pilitin mang umiwas Tinatamaan pa rin
At hindi ko mapigilang umibig Kinikilig ako sa tuwing Sisipat may pahiwatig ang titig mo Kinikilig nasasabik ako
Oh ang iyong ganda’y nakabibighani Naakit mo ‘ko kahit ‘di naman sinasadya At ang iyong mata na nakangiti Tila ba sa ulap ako dinadala
Pilitin mang itago’y Nakikita pa rin
At hindi ko mapigilang umibig Kinikilig ako sa tuwing Sisipat may pahiwatig ang titig mo Kinikilig nasasabik sa ’yo
‘Di ko mapigilang umibig Kinikilig ako sa tuwing Sisipat may pahiwatig ang titig mo Kinikilig nasasabik sa ’yo
At hindi ko mapigilang umibig Kinikilig ako sa tuwing Sisipat may pahiwatig ang titig mo Kinikilig nasasabik sa ’yo