Lyrics: George Canseco
Music: George Canseco
Paano bang mangarap ang isang bigo
Kung ang ligaya'y lalo pang lumalayo
Kailangan bang matulog nang sakdal-himbing
Tumakas sa mundo at huwag nang magising
Paano bang mangarap ang isang sawi
Kung ang luha'y kapiling bawat sandali
Sana'y naituro mo ang dapat kong gawin
Bago tuluyang lumayo sa akin
βDi ko na alam na muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako'y umasa lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa
Paano bang mangarap na magbabalik
At muling gigisingin pa ng 'yong halik
Kahit man lang sa huling saglit ng buhay ko
Ang pangarap ba'y magkatotoo
βDi ko na alam muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako'y umasa lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa
Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang βyong puso
βDi ba't kailanga'y may kaagapay
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay
Paano ba β¦