Lyrics: Josh Cullen Santos/Alvin James Manlutac Music: Josh Cullen Santos/Alvin James Manlutac/Brian Lotho/John Remar Sabangan Papalayo sa'yo, paalam na Nalilito ako, wala na ba? Papalayo sa'yo, bahala na Sinubukan ko naman na magtiis Paulit-ulit lang Yeah Ang dami nang masasakit na salita nanggaling sa bibig Ang daming sinasabi pero parang walang gustong makinig Lagi na lang hassle pag-uwi, araw-araw away at bati 'Di ko na malaman kung ano ba talaga, ah-ah Sa katahimikan na naman nakakulong 'Di ba dapat gagawan ng solusyon? Hinayaan lumamig ang relasyon Sana pwede ibalik kung ano meron tayo no'n Napuno na, napapadalas ang mainis 'Di ba pwedeng parehas na tayong dalawa mali? Ito na ba tamang panahon na umalis? Kung pwede lang, walang masasaktan Kung 'di maamin sa akin damdamin mo Ako na nga lang magsasabing tapusin 'to Manghihinayang na lang ba sa kwentong 'to? 'Di ko maintindihan Papalayo sa'yo, paalam na Nalilito ako, wala na ba? Papalayo sa'yo, bahala na Sinubukan ko naman na magtiis Paulit-ulit lang 'Wag ka nang umasang babalik Baka matuluyang masiraan ng bait Dibdib kong puno ng galit at sama ng loob Hindi ko na kayang kumapit at 'yun ang malungkot 'Di ko na ma-gets 'yung trip mo, 'kala mo 'di mabibisto Kaso lang alisto, siguradong mami-miss mo Pero ang problema tayong dal'wa rin mismo Ilang ulit mo na din akong nasaktan 'Di ko din alam kung bakit nagkaganyan 'Di ko na alam kung sa'n pa 'to papunta, ah-ah Kung 'di maamin sa akin damdamin mo Ako na nga lang magsasabing tapusin 'to Manghihinayang na lang ba sa kwentong 'to? 'Di ko maintindihan Papalayo sa'yo, paalam na Nalilito ako, wala na ba? Papalayo sa'yo, bahala na Sinubukan ko naman na magtiis Paulit-ulit lang Paulit-ulit (Papalayo na sa'yo) Paulit-ulit lang (Papalayo na sa'yo, oh) Paulit-ulit lang, paulit-ulit 'Di ko maintindihan ('Di ko maintindihan)