Lyrics: Russia Katharina N. Arensol
Music: Russia Katharina N. Arensol
Verse 1:
Araw-araw kong tinitignan ang sarili’t
Tinatanong sa kawalan
Kung ano ba ako?
‘Di ko makita
‘Di ko maramdaman
Sariling bigat ko’y tinitimbang
Inaaral ko laging mabuhay sa pagkabigo’t
Umiwas sa patibong ng mundo
Kita pa ba nila?
Ang aking halaga?
Kelan ba’y tinanong kung ayos pa ako?
Lahat sa paligid ay ‘di makaramdam
Pagod na ako sa paghinga
‘Di na sanay sa sariling presensya
Chorus:
Baka ang sagot ay patalim?
Wasakin ‘tong bangungot kung lagim
Hugutin mo man ay ‘di ganon kalalim
‘Di tulad ng lamat ng mundo’y saakin tinanim
Verse 2:
Gaano kabigat ba ang dapat ko na bibitbitin?
Kahit san din ako magpunta walang awang ididiin
Walang kikilos at magigising kung ‘di mo pa kakalabitin
Tagal ko ding pinagisipang buhay nalang paikliin
Oh iba na ang hilig ko, ba’t ganto?
Pasensya ka na kung iba ang nais kong puntahan
‘Di narin sigurado kung anong paraan.
Tama na, ayoko nading pahabain pa
Tama na.