Lyrics: Mark Angelo Maligalig Music: Mark Angelo Maligalig Di ko malaman Bakit sinayang mo Ating pangalan Ating tahanan, oh Bakit pa kailangan pa kasi Teka, teka, teka lang kasi Mag-isip ka muna sandali Pwede bang saglit, kala mo andali Na ika’y kalimutan Parang hindi ko kayang ikaw ay bitawan Kahit ito’y sanhi ng aking kalagayan Oh whoa ooh yeah
Di na maiwasan Di ka malimutan Di ko na malaman Pano kalimutan
Di na malaman aking gagawin Ilang beses pa ba na uulitin Ikaw pa rin aking hinahanap Kahit sobrang sakit ikaw pa rin pinangarap Dahil nga ikaw pa rin aking minamahal Hindi na magbabago gaano man katagal Kahit ano pa ang masabi ng iba Ikaw pa rin ang pipiliin ko walang iba
Di na maiwasan Di ka malimutan Di ko na malaman Pano kalimutan
Ano ang gagawin ko? Di naman ako sanay nang wala ka dito sa tabi ko Minsan nga iniisip ko na nga lang Na baka pwedeng mahawakan nang mahigpit ang kamay mo Di ko ‘lam san pupunta Lagi kong nakikita Mga alaala na Tayo noo’y magkasama pa Gusto kong kalimutan ka Pero bakit di ko magawa? Ayoko na ng ganito Lagi na lang nahihirapan, oh Ang hirap ngumiti nang may luhang dumadampi sa labi Iniisip ka gabi-gabi, hindi na ‘ko mapakali Nandito sa isang tabi Umaasang ika’y babalik muli