Lyrics: Angela Ken Rojas
Music: Angela Ken Rojas
I
Napakaraming tao ang kahit tingin ay ‘di kayang gawin
‘Pag nagkamali ka ay dignidad hindi mabawi-bawi
Sinong matatakbuhan?
Sinong kasamang ito’y lalampasan?
Sinong kayang umakay?
Oh aking tahanan, ako’y pilay
[CHORUS]
Maski bali-baliktarin man sila pa rin
Sila parin
Talikuran ka man ng mundo sila’y ‘di maglalaho
Sila parin
Kahit hindi ka kamahal-mahal
Kahit hindi ka tanggap ng lahat
Kung inaakala mong ika’y nag-iisa
Isang tawag mo lang
Pamilya mo’y nandiyan
Ohh..ohh..
II
Iba’t iba man ang pananaw natin sa buhay,
‘yun ang nagpapatibay
Sa ating panghabang-buhay na pundasyon ng relasyon (ng relasyon)
Hindi man buo’t perpekto
Kulang man, mas mahalaga pa rin sa ginto.
Hirap na sa hamon ng buhay
Oh akin tahanan, payakap naman…
[CHORUS]
Maski bali-baliktarin man sila pa rin
Sila parin
Tali—kuran ka man ng mundo sila’y ‘di maglalaho
Sila parin
Kahit hindi ka kamahal-mahal
Kahit hindi ka tanggap ng lahat
Kung inaakala mong ika’y nag-iisa
Isang tawag mo lang
Pamilya mo’y nandiyan
Ohhhh…
(Pamilya mo’y nandiyan)
Ohhhh..
[OUTRO]
Kahit hindi ka kamahal-mahal
Kahit hindi ka tanggap ng lahat
Kung inaakala mong ika’y nag-iisa
Isang tawag mo lang
Pamilya mo’y nandiyan…