Ang Ating Pag-ibig (Backing track)

Lyrics: Mark Herbert Rosario Music: Mark Herbert Rosario Pagsapit ng dilim, ang mukha mo ang aking naiisip At sa pag-idlip alaala mo aking inaawit Hindi ko akalain isang katulad mo'y mapapasa-akin
O, kay tagal ko nang hinihintay ito Nagdarasal sa Diyos na pagbigyan ako
Ang ating pag-ibig Inukit ng tadhana’t ng langit Hinding-hindi ito mapapatid Isang pangakong ’di titinagin Ang ating pag-ibig
Pagsikat ng araw, hawak ng iyong kamay hinahanap Tanging ikaw lang, nais kong kapilig sa hinaharap Ika'y ipaglalaban mula ngayon patungo sa walang hanggan
O, kay tagal ko nang hinihintay ito Nagdarasal sa Diyos na pagbigyan ako
Ang ating pag-ibig Inukit ng tadhana’t ng langit Hinding-hindi ito mapapatid Isang pangakong ’di titinagin
Ang ating pag-ibig Sinubok na ng alon at pait Kahit ilang unos pa’ng dumating Ang mananaig at magbubuklod sa atin Ay ating pag-ibig