LAGING IKAW

Lyrics: Crisner Mercado Music: Crisner Mercado Kung panaginip tayong dalawa Ay ayaw ko nang magising pa Basta’t ikaw ang kasama Hanggang pagmulat ng aking mga mata Gusto ikaw ang unang makita Lalalalalalalalalaging ikaw Ikaw ang una bago ang lahat Kahit abutin ng pagkakulubot ng balat Ay aawitan ka hanggang sa pagtanda Hindi titigil laging aalayan ng kanta Sa bawat minuto oras segundo Handang intindihin kahit mainit ang ulo Ikaw ang sagot kaya gusto kong matuto Dahil ikaw lang din ang paborito kong kurso Punto ko lang naman na sana’y pagbigyan Aking hiling na sana’y wala nang katapusan Itong pag-iibigan tayo lang ang may alam Na kay tagal-tagal ko talagang inaasam kaya Kung panaginip tayong dalawa Ay ayaw ko nang magising pa Basta’t ikaw ang kasama Hanggang pagmulat ng aking mga mata Gusto ikaw ang unang makita Lalalalalalalalalaging ikaw Umaraw man o umulan Handa kang sunduin Kahit na nasaan ka mang lupalop ng mundo Ikaw lang at ako Kahit wala mang tayo ako ay sa ‘yong sa ‘yo Pagmamasdan habang humihigop ka ng mainit na kape Sarap gumising kung ikaw lagi kong katabi Hindi ko na kailangan pa itong ipagsabi Pero gusto kong ipagsigawa’t ipagmalaking Mahal na kita no’ng una pa lang Ako’y nahulog na sa iyong ganda Ikaw ang rason sa pagsulat ng kanta Uulit-ulitin ko kahit tayo’y malanta kaya Kung panaginip tayong dalawa Ay ayaw ko nang magising pa Basta’t ikaw ang kasama Hanggang pagmulat ng aking mga mata Gusto ikaw ang unang makita Lalalalalalalalalaging ikaw