Lyrics: Jayelle Tagbo
Music: Jayelle Tagbo
Sabihin mo sa akin
Ako pa ba ngayon ang sigaw ng iyong damdamin
Pakita mo sa akin
Ang dahilan kung bakit ako’y napabayaan
Sinabi mo nung dati
Lahat ay kakayanin, walang imposible sa atin
Ngunit ngayo’y nagbago
Ang dating pagsumamo ngayo’y hindi seryoso
Am I still the only one?
Bakit mo’ko ginanito?
Am I still the only one?
Lahat ba ito’y balewala sa’yo?
Am I still the only one?
Bakit mo’ko ginanito?
Am i still the only one… For you?
Teka, oh teka muna
Bago ka lumisan ako muna ay pakinggan
Akin nang sasabihin
Mga sakit na dulot nang ginawa mo sa akin
Oras at panahon ay ginugol para sa iyo
Luha, pagod at pawis, sakripisyo ko sa iyo
Pagkakataon lang ang hiling
Hiling para sa atin