Lyrics: Bianca Denise Macasaet
Music: Bianca Denise Macasaet
Kanino tumatawag
‘Pag ako’y naninimdim, hmm
Sagot na kailangan ay
Sa ‘yo ko lang naririnig
At kung yakap lang naman
Ang siyang lunas sa ‘king sugat
Agad-agad mong binibigay
Kung kaya't napapatanong
Kung masyado pang maaga
Kung ika’y laging hinahanap ko
Bakit ba palagi kang nand’yan
‘Pag puso ko'y nalulumbay
Boses mo ang siyang kumakalma
Maaga pa andyan ka na, hah
Kung ika'y naghihintay lang
Kanina ka pa ba
Kahapon pa akong nakaabang
Oh oh oh oh
Sa ‘yo lang ako lumalapit
‘Pag sira ang araw ko't
Mga noo'y kumukunot
Araw-araw mong pinapatunayan
Na karapat-dapat akong intindihin
Basang-basa pa nga ang ‘yong balikat
Sa paulit-ulit kong paghikbi
Kung kaya't napapatanong
Kung masyado pang maaga
Kung ika’y laging hinahanap ko…
Bakit ba palagi kang nand’yan
‘Pag puso ko'y nalulumbay
Boses mo ang siyang kumakalma
Maaga pa andyan ka na, hah
Kung ika'y naghihintay lang
Kanina ka pa ba
Kahapon pa akong nakaabang
‘Di mapapagod na maghintay
Kung sa dulo'y mahahawakan ko
Ang ‘yong mga kamay
Bakit ba palagi kang naand’yan
‘Pag puso ko'y nag-iisa
Boses mo ang siyang kumakalma
Nawawala ang mga luha
Ngayon ako'y naghihintay lang
Kung nasaan ka man
Kahapon pa akong nakaabang
Oh oh oh…
Maaga pa, matatanggap rin ang lahat