Lyrics: Jean Kiley Music: Jean Kiley Te amo
Tila ‘di mapakali T’wing ika’y sa aking tabi Sa iyong bawat pagtingin Paghikbi, pagngiti Puso’y nagkukubli
Tila damdami’y pag-ulan Ang nadarama’y biglaan Ito kaya’y magtatagal O ito kaya’y panandalian lang
I just wanna say
Te amo Nag care ko nimo Nobogoshipo Sei cose importante Nais sambitin paano ba sasabihin na sana’y
Bigyang-pansin ang damdaming Sa ’yo lamang may pagtingin Alam mong ‘di na ’to lihim Kailan ba mapapansin Mal lo neun nae sarangeul seolmyeong hal su opso Opsoyo
Pagbigyan ang aking mumunting dalangin Sambiting ako’y ‘yong mahal rin
If I could only read what’s on your mind If I could only feel that all that you’re feeling inside malala Malalaman ko nang aking gagawin ‘Di mag-aatubiling mag-isip ako ay aamin
Lala lala la Sana ay tayo na Lala lala la Kinikilig kapag kasama kita
Kumapit, lumapit, napalapit na puso ko'y Nagpumilit, nangungulit sa isip paulit-ulit ‘Di mapigilang walang alinlangan Masambit ‘sang daang libong titik sa isipan, yeah
I just wanna say
Te amo Nag care ko nimo Nobogoshipo Sei cose importante Nais sambitin paano ba sasabihin na sana’y
Bigyang-pansin ang damdaming Sa ’yo lamang may pagtingin Alam mong ‘di na ’to lihim Kailan ba mapapansin Mal lo neun nae sarangeul seolmyeong hal su opso Opsoyo
Pagbigyan ang aking mumunting dalangin Sambiting ako’y ‘yong mahal rin
Nanana nanana nana… Iyong panalangin Nanana nanana nana…
Nanana nananaginip nang gising Sa aking kama Kinikilig dahil kasama kita Namimilipit na naman ng sobra Mga labi kong nakangiti Oh, hay ang drama
Naguguluhan ang aking isip at damdamin Ikaw lang ang nag-iisang tanging gusto kong makapiling
I just wanna say
Te amo Nag care ko nimo Nobogoshipo Sei cose importante Nais sambitin ng mga labing humihiling na sana’y
Bigyang-pansin ang damdaming Sa ’yo lamang may pagtingin Alam mong ‘di na ’to lihim Kailan ba mapapansin Mal lo neun nae sarangeul seolmyeong hal su opso Opsoyo
Pagbigyan ang aking mumunting dalangin Sambiting ako’y ‘yong mahal rin Ako rin ang ‘yong panalangin Sambiting ako’y ‘yong mahal rin Nanana nanana nana… Ako rin ang ‘yong panalangin Nanana nanana nana… Oh