Akin Ka Lang

Lyrics: John Roa/Frizzle Anne L. Dimayuga Music: John Roa/Frizzle Anne L. Dimayuga Ipagdaramdam mo ba Kung ipagdadamot kita Ipagdadamot kita Dahil ikaw ang tanging akin na wala sila
'Wag kang mag-alala Walang ibang mahalaga Walang ibang mahalaga Dahil ikaw ang tanging akin na wala sila
Ang akin ay akin lang (sa 'yo lang) Sa 'kin ka lang (sa 'yong sa 'yo lang) Dahil ikaw ang tanging akin na wala sila
Pasensya ka na Kung tamang hinala 'Pag nagpapaalam na aalis ka Saan pupunta Sino ang kasama 'Wag sanang abutin ng umaga
'Di naman sa wala 'kong tiwala Sadyang marami ang nagkakandarapa Nag-aabang kung kelan ka Mapupunta sa kanila
Pero sa dinami-rami (alam mo naman) Ako ang 'yong napili (ikaw lang) Kaya gusto nilang agawin ka Pero akin ka, akin ka lang
Ipagdaramdam mo ba Kung ipagdadamot kita Ipagdadamot kita Dahil ikaw ang tanging akin na wala sila
'Wag kang mag-alala Walang ibang mahalaga Walang ibang mahalaga Dahil ikaw ang tanging akin na wala sila
Ang akin ay akin lang (sa 'yo lang) Sa 'kin ka lang (sa 'yong sa 'yo lang) Dahil ikaw ang tanging akin na wala sila
Pasensya ka na Kung pinapakaba Kapag gusto muna na mapag-isa Sa'n man mapunta Sino mang makilala Maniwala ka sana 'di magpapadala
Kailangan mo lang sa 'kin magtiwala Pipiliin ko palagi ang tama Sa 'yo lang natagpuan Pag-ibig na 'di pakakawalan Dahil sa dinami-rami (sa dinami-rami) Sa tabi ko ang 'yong napili (ako ang 'yong napili) Ano pa ba ang hahanapin Kung sa akin ka, akin ka lang