Lyrics: Airon Paul P. Bayani/Regie Valdez Music: Airon Paul P. Bayani/Regie Valdez Marahil isa ka sa dahilan kung bakit at paano ako naging masaya Naging takbuhan kita Nung naghihingalo na
Nabihag ng halimuyak at madaling naakit sayo Magkaiba man ng mundo Ako ang nadagit pero sa huli ikaw ang natukso Oh bakit ganto anong kasalanan ko
Bakit humalik pa ko sa maling tao Na ibang labi ang kinakasabikan
Kung alam ko lang na ikaw din pala dudurog sakin Sana hindi mo na ako binuo Iniwanan mo sa alanganin Na punto ng buhay na kailangan kayanin ko ng mag-isa
Sana ay di nalang Sana ay di nalang Sana ay di nalang Sana ay di nalang kita nakilala
Mula sa salitang ika’y walang katulad napunta sa kagaya ka lang nila Nanliit nung tinapakan mo ang puso na noon ay pinagmamalaki pa Minahal kita na alam kong humigit pa sa naramdaman mo sa iba Kita sa mata na sayo lang ang pagtingin habang bulag ako sa kanila
Biglang nag iba di ko din inakala na Ang kahahantungan ay masama Totoo pala na pag sobrang saya May kasunod na kalungkutang malala
Inalis ang drama yun pala may kapalit na talagang mapapatulala Binusog sa tawa pero pinakain mo din ng masasakit na salita Kung alam ko lang sana hindi na nag papansin
Kung pait lang ang matatamo Matatamis mong salitang binabato ay sana nga hindi ko nalang sinalo Sana nga’y kumapit na lamang ako at hindi nag patangay sayong ganda Inakay ng hangin papunta sayo kasabay ng ngiti mong nakakadala
Mula sa nagkapalagayan ng loob Napunta sa hindi kana mapalagay Napatunayan ang kutob kong hinayaan Pero di ko na kinaya’t bumigay
Parang naumay sa pagkain biglang ayaw mona Diba naman tayong mag simula Sabi mo pagod ka lang Pero nalaman kong sa iba ka na nag papahinga