Lyrics: Pio Policarpio Balbuena/Kier Ferrer Music: Pio Policarpio Balbuena/Kier Ferrer Kandado Pio Balbuena, Kierz Ferrer, Mata
Bakit sa mga pagkakamali ko ay parang andamu ng nakaabang Samantalang sa mga tamang ginawa ko eh hindi na natatandaan Ayaw nila ng totoo magiging masama ka lang mas minamahal nila kapag nag papanggap ka lang
Kaya nakakapagtaka malaya ba tayong lahat Sa mundo na parang hindi ko malaman kung sino ba sakin ang mangangagat kaya kailangan maging matatag sinanay ang sarili ko sa lapag Para pag dumating yung mga panget na araw ay kaya pa ring pumalag
Napakarami pa rin talagang mga tao Na magaling lang makisama Pero kapagka nalagay ka sa alanganin eh Ayaw ka ng makasama Gusto nila na mapariwara ka Nasan na ba sila pare wala na Kaya kung meron mang gustong tumira sa akin eh lahat yan balewala na
Kaya ngayon eh kandado ka na Mundo ko to eh kabado ka ba Kung akala mo ganung kadaling makalaya mali tarantado ka ba Kandado sa pagkataong iniba hindi na yan bago wala bang iba? Ang tanong bakit kailangan baguhin yung sarili para lang sa kanila
Chorus: Sa bawat desisyon dapat palagi ay balanse May mga ugali na iba’t iba ang klase Pag nakatalikod dun umaatake Suriin mong mabuti ang tunay sa peke
Pakisama, pakikisama (Sa pakikisama nakakandado ka na) Pakisama, pakikisama
dito sa kwadradong mundo di laging husto kailangan makibagay ng di mawalan ng pulso siga ka sa labas pwes iba dito sa loob matatakalan pag lumaban ka at di sumusunod
sa patakaran ng mayor at mga dapat na galangin palaging sipatin lahat kanya kanya ng gawain para ding pamilya dito merong tamang disiplina hagupit ng bastonero di kaya sa bartulina
ka rancho wala na dyan bago nilikha ang lugar na to para ang sanggano ay magbago halo halong mga kaso kahit na magulo alam ko na isa lang ang sigurado
lahat dito nagbabayad ng kanilang kasalanan yung iba natagpuan nawawalang kapayapaan dahil kung magiging matuwid palaging merong tsansa pa depende kung kaya mong tumagal ay makisama ka
VERSE MATA HINDI LAHAT NG NAKULONG MASAMA AT MAY TATOO YUNG IBA AY DAMAY LANG KAYA NILA BINUNO AT IBA NAPAGTANTO MAS MASARAP DUN SA LOOB KAHIT MAHIRAP MASAYA TAPOS MINSAN AY MALUNGKOT WALANG DALAW AT MADALANG MGA TROPA NANGAMUSTA MGA KOSA MO NA LANG ITUTURING MONG PAMILYA AT HIGIT SA KAPATID YUN ANG PANGAKONG HAWAK HAWAK , PALAGING MAKINIG PARA HINDI KA MAPAHAMAK. MAKISAMA NG MABUTI YUN ANG SUSI SA LAHAT PARE PAREHAS NG TINGIN KAHIT MAGKAIBANG PANGKAT YUNG ANGAS SA LABAS HINDI PUPWEDE SA LOOB KALKULADO ANG GALAW MALAKAS DAPAT ANG KUTOB DISIPLINA AY IBA KAYA PALAGING SUMUNOD KAHIT HALANG BITUKA MO DITO IKAW AY TITIKLOP AT MATUTUNAN MAKIBAGAY SA PEKE AT SA TUNAY HANGGANG SA TUMAGAL IKAW AY MASASANAY
Chorus: Sa bawat desisyon dapat palagi ay balanse May mga ugali na iba’t iba ang klase Pag nakatalikod dun umaatake Suriin mong mabuti ang tunay sa peke
Pakisama, pakikisama (Sa pakikisama nakakandado ka na) Pakisama, pakikisama