Deym!

Lyrics: Alkin Kurt A. Lagonoy Music: Alkin Kurt A. Lagonoy Dami na saken nakatingin pare goddamn Halatang mga inggit cause I do thang Kukuhain ko ang bread na para sakin Mahirap man ang daanan tatahakin
Walang iba ganon parin lagari araw-araw lahat ay aking gagawin 'di pwedeng pumanaw Sakin lamang tong flame walang makakaagaw Mapapasakin din ang game yeah balang araw
Susulitin na biyayang dumating 'di na mag babago ako'y ganon parin
Ano man ang pag subok na dumating Siguradong kakayanin 'di na papalampasin
Di mo na maiiwasan pag ako ang nag patama (ugh)
Sino man ang sumabay makakaya ko Bat 'di subukan humarang ng malaman mo
Kung uunahan iwan saken pag ka bwelo
Wag mo ng balakin kung ayaw mong madedo Sobrang chill lang sa hood pare yeah yah
Sobrang daming mga anay sa laro, kung gusto mong malaman wag kang kumalaban ng matuto (ka!)
Lahat ng mag babalak sakin tutumba Umuusad ng hindi mo inakala balang araw kikinang na parang tala
Sobrang daming nag abang walang maiiwan kasama mga day one Walang pake sa mga lame andito kame sa hood pare sobrang safe lang
Dami na saken nakatingin pare goddamn Halatang mga inggit cause I do thang Kukuhain ko ang bread na para sakin Mahirap man ang daanan tatahakin
Walang iba ganon parin lagari araw-araw lahat ay aking gagawin 'di pwedeng pumanaw Sakin lamang tong flame walang makakaagaw Mapapasakin din ang game yeah balang araw
Andami kong plano pare sana matupad Mataas man ang pangarap handang lumipad
Kung mga pinakita ko 'di paden sapat Mga balak kong gawin patuloy kong isasagad
Mananatiling bukas palad sa pag hawak ng tropeyo Kung balak mong apulahin apoy ko wag ka dito Mga letra'y ko'y sapak tatak mo sa sintido bagay na sineseryoso mo nilalaro ko lang
Kaya kong gawin to ng 'di nag yayabang Para saken ibang iba aking kakayanan Ngayon halimaw na yung dati mo na nilalang Mas ginaganahan pag di ka nagagalingan
Daming di bilib kelangan pang lupitan Pinapakita ko higit pa sa nakaraan Buhay ay laro inutakan ko nalang Mga kalaban ginawa lamang talunan
Sobrang daming nag abang walang maiiwan kasama mga day one Walang pake sa mga lame andito kame sa hood pare sobrang safe lang