Lyrics: Arnel DC Aquino SJ Music: Arnel DC Aquino SJ Ito ang araw ng ginawa ng Panginoon; Tayo’y magsaya at magalak!
Magpasalamat kayo sa Panginoon, Butihin S’ya, Kanyang gawa’y walang hanggan. Sabihin ng sambayanan ng Israel, “Walang hanggan Kanyang awa!”
Ito ang araw ng ginawa ng Panginoon; Tayo’y magsaya at magalak!
Kanang kamay ng Diyos sa ki’y humango. Ang bisig N’ya sa ‘kin ang tagapagtanggol. Ako’y hindi mapapahamak kailanman. Ipahahayag ko, l’walhati N’ya!
Ito ang araw ng ginawa ng Panginoon; Tayo’y magsaya at magalak!
Ang aking Panginoon, moog ng buhay. S’ya ang batong tinanggihan ng taga - pagtayo. Kahanga-hanga sa aming mga mata, Gawain N’ya; Purihin S’ya!
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; Tayo’y magsaya at magalak!
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; Tayo’y magsaya at magalak!