Lyrics: El Jhon Kenneth D. Gaon Music: Joshua Mari/El Jhon Kenneth D. Gaon Halika dito ka muna Isang tabi muna natin ang mga Dilemma Huwag kang mag alala lahat ay kaya Natin mahal basta't tayo ay magkasama
EL CIDE (1st verse)
Ikaw at ako nalang muna Patayin mo na muna telephono Umalis muna tayo sa magulo Damahin muna yung sandaling Ako lang nasa mundo mo
Wala munang plano Tara at liparin para bang sakay ng eroplano At sabay tanawin yung mga dumaang mga labang ating pinanalo
Dito na muna kahit na simple lang ung gabe Magkatabe simpleng kwentuhan habang may mainit jan na kape
Walang oras na minamadaleh Sinusulit ang mga sandale... Ilang beses mang umikot ang oras At ang kalendaryo araw at gabe.....
Malayu sa mundong napaka ingay Kung saan tayo nagawang pinatibay Dami mang hamon pero binabangon kung sino man ang madapa at mapilay
Mga pasanin sabay nating lalakarin Pero sa ngayon ay bitawan na muna lahat at isat isa ang atupagin
Walang oras na dapat na habulin kahit na panahoy napakatulin Sige langoy lang sa kaligayahan at ang isat isa ating lunurin
JOSUA MARI (chorus)
Halika dito ka muna Isang tabi muna natin ang mga Dilemma Huwag kang mag alala lahat ay kaya Natin mahal basta't tayo ay magkasama
EL CIDE (2nd verse)
Nagkatagpo man sa mga panahon na hindi pinlano Di rin batid kung paano Pero pinilit na maitawid kahit na sa mundong delikado
Dami narin na nilagpasan Kaibigan ka rin na nasandalan Kahit sa dilim ng mga daan Ay andun ka parin at tinama ang....
Mga nilakaran diba sarap na balikan Parang mga larawan Ang lahat ng mga yan di mapapalitan kahit na malipasan
Palaging nandito na parang anino Nakalikod sa lahat ng mga bagay lalu kung hindi disedido
Pawiin ng mga ngiti mo, ang lahat sa mundo na hindi ko Parin na mabatid minsan may pait Buti kabisado mo kiliti ko
Malayu sa mundong napaka ingay Kung san tayong dalaway pinatibay Daming nang hamon pero binabangon kung sino man ang madapa o mapilay
Mga pasanin , sabay natin na lalakaren Pero sa ngayon ay bitawan na muna at isat isa muna ang atupagin
Walang oras na dapat na habulin. kahit na panahoy napakatulin Sige langoy lang sa kaligayahan habang isat isa ating lunuren
JOSUA MARI (chorus)
Halika dito ka muna Isang tabi muna natin ang mga Dilemma Huwag kang mag alala lahat ay kaya Natin mahal basta't tayo ay magkasama