Langit

Lyrics: Paulo Manlod Music: Paulo Manlod Minsan na isip ko parin nakakatakot. Paano kung mahilo mahulog galing sa rurok. Nanggaling na sa sulok na lulunod sa kaka usok. Makirot ko na damdamin na parang pang tinutusok.
Dami sakin na bumubulong itigil mo nayan. Imbis na mag pa hila ay lalo ko pa ginalingan. Parang baga na nag liyab lalo na pag sinindihan. Dating bata na nag gala ngayon ay tinitindihan.
Mas maraming humihila lalo pa ginaganahan. Argumentong dumaan ay akin lang tinatawanan. Lumayo sa nag panggap sarili lang inaasahan. Patuloy ang kahirapan ay aking binabanatan.
Parehas tayo ng galawan nag pupursige lang. Hindi na rin tulad ng dati na puro sige lang. Minsan makipot maluwag ang ating ginagalawan. Wala sa bukabularyo ang tumigil yan ang tandaan.
Normal lang ang mapagod pag ikaw nag susumika. Ang pera hindi ma aakay hanggang sa alapaap. Kaya ginamit ko sa tama paraan na giginhawa. Mawala ka man sa mundo may ngiti sa pag hilata.
Normal lang ang mapagod pag ikaw nag susumika. Ang pera hindi ma aakay hanggang sa alapaap. Kaya ginamit ko sa tama paraan na giginhawa. Mawala ka man sa mundo may ngiti sa pag hilata.
Gawing langit ang mundo makakaya natin to. Sa simula ikaw at ako tapos sila hanggang maging lahat na tayo. Oh kay gandang masdan sa bawat taong nagugutom at nahihirapan meron kang matutulungan.
Madalas naka simangot at hindi maka ngiti. Pagod na nga ako at nangangawit ang binti. Sa kakalakad sa mundo puno ng pighati. Na meron parin pag-asa pangarap malake.
Maraming isipin koryente at bayad sa tubig. Ngunit hindi ako sa kahirapan nag pa lupig. Bagkos ginalawan pag na tuyot inom ng tubig. Pawis na kapalit pinursige hindi sa titig.
Maraming tao sa paligid nag silbing gabay. Na mali at nag kasala di mapalagay. Dahan dahan lang sa anod baka matangay. Tandaan maging maingat sa pag lalakbay.
Meron din mga araw na hindi pomabor. Hindi ma wari ang kulay magulo na pintor. Gusot na polo mainit na ulong kundoktor. Traffic sa byahe at singitan ng mga motor.
Hingang malalim makikita morin ang lahat. Mukang mainit ang ulo pasensya sumagad. Buti hindi nag padala sa nararamdaman. Lahat naman ay lumilipas yan ang tandaan.