Ipinagpanata Kita

Lyrics: Davey Langit Music: Davey Langit/Therese Villarante Gabi-gabi, sa itinakda kong oras Bago ako humimbing Hinihiling kita
Di madaling maghintay sa bawat bukas Takot nang magkamali Hinihiling kitang dumating na
Mabuti na lang hindi ako nag alinlangan Na pararatingin ka Niya sa tamang panahon, ito na yun Narito ka na
Kay tagal, kay tagal kitang hinintay Oo, kay tagal, kay tagal kitang hinintay Sa buhay ko nga ay Di pa ako naging gan’to kasigurado Sa’yo lang Ipinagpanata kita
Bawat hindi sa inaakalang oo Bawat sandaling nasaktan Bawat hikbi at luha, mali at duda Kailangan kong daanan ang lahat ng ito Dahil sa’yo pala ito patungo
Mabuti na lang hindi ako nag alinlangan Na pararatingin ka Niya sa tamang panahon, ito na yun Narito ka na
Kay tagal, kay tagal kitang hinintay Oo, kay tagal, kay tagal kitang hinintay Sa buhay ko nga ay Di pa ako naging gan’to kasigurado Sa’yo lang Ipinagpanata kita
Higit ka pa sa lahat ng pinangarap ko
Kay tagal, kay tagal kitang hinintay Oo, kay tagal, kay tagal kitang hinintay Sa buhay ko nga ay Di pa ako naging gan’to kasigurado Sa’yo lang Ipinagpanata kita
Kay tagal tagal naghintay Kay tagal nang hinintay
Gabi gabi kang hiniling Narito ka na Ipinagpanata kita