Lyrics: Lin-Manuel Miranda Music: Lin-Manuel Miranda Tahanang 'to, kailanga'y pagbabago Mahirap nga lang, pero kaya 'di ba? Ating pamilya, buo at nandirito Mga bituin na nais lang na kuminang
Ngunit tala'y aapoy, babaguhin na'ng langit Ang buhay may saysay kahit walang husay Patawarin dahil nagkulang Higpit dala ng takot ko Milagro ay hindi ang mahika niyo Milagro ay kayo, galing ko'y kayo Milagro ay kayo, ay kayo, ay kayo
Ang kaso, 'wag daw ikuwento si Bruno (Siya si Bruno) Ako nga, daming kuwento nga 'tong si Bruno Ganto kasi Pepa, patawad sa kasalan, nauwi man sa asaran Hindi ko hinulaan, biro lang ang sinubukan Eto'ng sasabihin ko, nasa puso ko kayo Lagi 'yan, promise 'yan, umulan, bumagyo, ako 'to 'Yun na nga ang sabi ko, 'tol Hihingi lang ng pasensya sa inyong lahat 'Wag, kay saya na narito ka na (uh) Labas sa lungga, kahapon ay limot na Ano man ang mangyari, magkakasama na Alam kong narito siya, dinig ko lagi siya
(Whoa-oh, whoa-oh, whoa-oh, whoa-oh-oh) s'an galing 'yon? (Whoa-oh, whoa-oh-oh) 'yung mga tao yata sa baryo
Hey! Pasanin niyo (pasanin niyo) Eto na ang tutulong (eto na ang tutulong) Walang galing ngunit marami Karamay lagi sa inyo
Kay saya na nagtutulungan (sa inyo, sa inyo) Lakas mo (iyakin lang minsan) (sa inyo, sa inyo) Ako man Bawas ang lakas pero natututo Pataba, araw kailangan Tara! Itanim na ito, lalaki agad Langit dun na'ting tungo
Ang tala'y aapoy Nang pagbabago Lilipas panahon 'Di na bata ang 'yong bunso Nagmana sa'yo
Hay Hoy, Mariano, lungkot mo Kasi nais lang na magmahal Alam mo, may pinsan naman ako Kilala mo si Dolores? Sige, salamat, insan, tabi! Ang ingay mo Alaga mo ang nanay mong bilib sa'yo Tula ang sinusulat mo, hanggang dalawin ng handog Ayokong na'ng maghintay pa, ako ay pansinin mo na Dolores, ikaw ang nakikita ko Ikaw, naririnig ko (ayos!)
Sa inyo, sa inyo 'Pakasal na tayo? (Ang bilis mo) Sa inyo, sa inyo
Tahanang 'to, gusto kong pagbabago Hindi perpekto Tayo rin naman Totoo 'yon May kulang pa, 'wag munang magdiriwang Ano po? Ating pintuhan Ginawan ka namin ng pusuan   Damhin ang 'yong apoy Ang tapang at husay Galing na angkin mo Ikaw nga ang milagro namin, buksan mo na Dilat ka na Abre los ojos Anong nakikita mo? Nakikita ko, ako Ako nga