Lyrics: Thyro Alfaro/Yumi Lacsamana/Nicole Omillo/Julian Trono/Janine Teñoso/John Roa/Jeric Medina/Jem Cubil/Pio Balbuena/Christopher John Ongkiko Music: Thyro Alfaro/Yumi Lacsamana/Nicole Omillo/Julian Trono/Janine Teñoso/John Roa/Jeric Medina/Jem Cubil/Pio Balbuena/Christopher John Ongkiko Minsan para bang walang katuwang Wala ring makapitan
Nag-iisang lumalaban at para bang Ika’y napanghihinaan Parang tumigil ang daigdig sa paggalaw At tila ba nais mo na lamang na bumitaw
Woh-oh Ngunit lahat nang ‘to ay malalampasan Woh-oh Hindi Niya tayo iiwan
‘Wag nang malulumbay itong pagsubok ay Sadyang kayang-kaya ‘Di man hawak-kamay Ang puso natin ay Laging sama-sama Kapit lang hanggang sa dulo Manalangin at ‘wag susuko Tayo ay magtatagumpay Basta’t sama-sama
Kayang- kaya oh Kayang-kaya… Kayang-kaya oh Kayang-kaya…
Gaano pa man kabigat ang ulan Tayo ay makakaahon At gaano pa man kalayo ang pampang Tayo’y makadadaong Hindi titigil ang daigdig sa paggalaw
At may pag-asa pa Kaya’t ‘wag kang bibitaw
Woh-oh ‘Di ba’t lahat ng ‘to ay malalampasan Woh-oh Hindi Niya tayo iiwan
‘Wag nang malulumbay itong pagsubok ay Sadyang kayang-kaya Hindi man hawak-kamay Ang puso natin ay Laging sama-sama Kapit lang hanggang sa dulo Manalangin at ‘wag susuko Tayo ay magtatagumpay Basta’t sama-sama
Unti-unti man sa paghakbang Ito’y ating malalampasan
Kaya sige lang Sige lang sa paghakbang Ang bagong bukas ay nag-aabang
Mahirap talagang mabuhay dito sa mundo ‘Wag kang magalit nagsasabi lang ako ng totoo Marami nang nasira at tila hindi na mabuo Pero magugulat silang lahat kasi alam ko Malalampasan mo pa ‘to Pilipino ako kakaiba ‘to Marami na ‘kong sinalong binato Mga pangit na nakaraang dinaanan Ngayon ay nginingitian ko ‘Pag merong problemang tumira At hindi na masalag ‘to Pinipikit ko ang mga mata Yumuyuko dinadasalan ko
Tagumpay ang hatid ‘pag sama-sama Tayong nagkasundong hindi magsama-sama Pansamantala lamang ’to, gano’n naman palagi Ngayon ay lumalaban, bukas tayo’y babawi Umaga o tanghali o hapon o gabi Sana’y pag-asa lagi ang mangibabaw ‘Wag mag-alala kung nahihirapan ka ngayon kasi Darating naman ang madaling araw, araw
Woh-oh ‘Di ba’t lahat ng ‘to ay malalampasan Woh-oh Hindi Niya tayo iiwan
‘Wag nang malulumbay itong pagsubok ay Sadyang kayang-kaya ‘Di man hawak-kamay Ang puso natin ay Laging sama-sama Kapit lang hanggang sa dulo Manalangin at ‘wag susuko Tayo ay magtatagumpay Basta’t sama-sama
Kayang-kaya oh Kayang-kaya… (kaya natin ‘to) Kayang-kaya oh Kayang-kaya… Kayang-kaya oh Kayang-kaya… Kayang-kaya oh Kayang-kaya…