Reseta na Lukot

Producer: Paulo Herrera Music: Ralph Lizano Naaaaa!!! alayan ng pakiramdam na di basta napapagpag Nung napatalab tila ba nabangag at napalayag nagmamatyag Wala nang naidaragdag natuyo na ang nag aambag Ng kaalaman sige sapalaran at ako naman ka-kalampag
Sa templo, tyempo nasa siyento ang porshento Na dala, sa sentro itinerno instrumento Pang bara, kuntento sa depekto ba't sa presyo Nag taka o baka, nag paka abala sa walang halaga
Kapag ganon kalakalan magkakaron at lalagyan Pagkakataon ay sasakyan maglulubid maghahagdan Ipag iigib pagtatakpan ang masugid na nag papasan Nang makalipad sa reyalidad kahit kaunting sandali
Lilingunin pagmamasdan paluluhurin manlalaban Lilituhin patitinuin patitiklupin mandaragan Ang masunurin masasaktan at pupudpurin maglalaan Sa kalamidad ang maabilidad sa may kapasidad sawi
At mapalad silang mga nanatiling inosente Sa tunay na daloy ng programa
Habang.... ang mga nagising na pasyente'y Patuloy humahanap ng kwalipikadong tagabasa Umaasa.... sa sintensya may lusot O mabalasa ang poot na direktang nanoot
Handang mapahalik sa paa pero masasagip ka nga ba Ng nasusulat...... sa reseta na lukot
Verse 2: Nakapag-kabisa't natutong pumikit sa pag suway At lumantad na iisa ang dulo ng iba't ibang tulay Kaagad rinebisa tayo ko sa naatasang magkulay KINEKWESTYON PAGRARASON NG BILYONG TAONG BUHAY
Hangang sa mga paano at bakit ay sumapaw ang kaya Ilimitado subalit, mas kumapit ang dala Dismayado sinapit pasalit salit na ngawa NANG MASULIT BAWAT PUNIT hinayaang mag nana
MGA BITAK SA BALAT MADUMI SA MATA NADALA YAONG KIROT NAG SIPAG SIYASAT NAGSURI NAG TASA INALALA ANG LIMOT AT ILAG SA TAPAT ANG NAGSISI ASANG MAKALAYA SA LIKOD NG LIYAB NA KALAT PERO DI PUMASA KAISIPAN NA MAY LIKOT
TINITIGNANG MALI SUBOK GUMAGANA AT AYOS ANG PANSAMANTALA INA-AKALA NA KAPOS KUNG MINAMADALI NA ANG GANAP NA PAG TAGOS BUKAS HIGA SARAAAAAA... TAPOS!!!!!!!!!!!! -------------------------------------------------------------------------------------- At mapalad silang mga nanatiling inosente Sa tunay na daloy ng programa
Habang... ang mga nagising na pasyente ay Patuloy humahanap ng kwalipikadong tagabasa
Umaasa.. sa sintensya may lusot O mabalasa ang poot na direktang nanoot Handang mapahalik sa paa pero masasagip ka nga ba Ng nasusulat...... sa reseta na lukot
------------------------------------------------------------------------------Verse 3
MGA LETRA SA PUNTOD NAKAka BUO NG AWIT NAIWANAN NA LAYUNIN AY IPINAPA-SALO
KAALAMANG NAPAG BUKLOD AY SA WASTO BA GINAGAMIT PAGTITIPON SA HANGANAN NAWAY MAY MAKA DALO
KUNG DI PARA MAG LINGKOD ANG DAHILAN KUNG BAKIT KA HUMIHINGA SIGE SABIHIN MO ANO?
NAKATAKDA NA MAPUNDI ANG BITUING MALAPIT ANONG MAISASALIN O MAPAPASA MONG SAYO
KUNG DI KA PA NASASAKTAN WALANG ARAL NA KAKABIT AT HINDI KA MASASAKTAN KUNG DI KA RIN MANANAKIT KUNG DI KA PA NALALAGYAN AY DI KA RIN MASASAID IPINAHATID NG TAGAMASID KUNG DI MABATID MAMATAY KA