Lyrics: SOLEIL MISALUCHA
Music: SOLEIL MISALUCHA
Sa Huli
Nagpaalam, isang umaga
Di alintana ang lungkot sa'yong mga mata
Di mapigil, naliligaw, di na matanaw ang dating tayo
Saan ako tutungo?
Di man sigurado kumakapit pa rin ako
Chorus:
Sa huling sandali maghihintay pa ring sabik
Sa yakap mo na kayhigpit at init ng mga halik
Sa huling mga gabi na tayo pa'ng magkatabi
Di na maikukubli ang lungkot at saya
Sabay na nadarama, hindi mapagkaila
Ramdam mo bang ayaw kitang mawala?
Nahihirapan, litong - lito, gulong - gulo
Di malaman, pagbibigyan na ba ang iyong gusto?
Di ko lang naman maisip
Masaya tayo noon, wala nang tayo ngayon
Chorus:
Sa huling sandali maghihintay pa ring sabik
Sa yakap mo na kayhigpit at init ng mga halik
Sa huling mga gabi na tayo pa'ng magkatabi
Di na maikukubli ang lungkot at saya
Sabay na nadarama, hindi mapagkaila
Ramdam mo bang ayaw kitang mawala?
Bridge:
Oras nauubos na, hindi na maisalba
Pangako natin sa isa't isa
Babaunin na lang ang alaala
Chorus:
Sa huling sandali hindi ka na hihikbi
Tapos na ang mga sakit na dulot ng maling pag-ibig
Sa huli mga ngiti mo lang ang tangi kong hiling
Wag mo na akong isipin, ikulong na ang damdamin
Nadarama ang lungkot at saya
Ramdam mo bang kailangan nating dalawang
Itigil na ang lahat..