Lyrics: Remigio Prowel Jr.
Music: Remigio Prowel Jr./Bryan Lao
Kandado
1st verse (BJ Prowel) :
Sa harap ng salamin
isip ay di kayang labagin
tanging usok lang ang salarin
sarili nagawang patayin.
dating ako hindi ko na kilala (yeah)
shabu,cocaine at marijuana
sa isip ko may nagsasabi
sarili ko daw ay isabit
sana makayanan ko ang laban
sana magawa ko tong takasan
di pa handa sa kamatayan
hindi ito ang gusto ko na kapalaran
Chorus:
Ako ay nagapi natalo
sa kadiliman ay naiwan na ko
tila mga paa’y naka’kandado
sa impiyerno na nakakapaso
tumakbo sa malayo
gusto ko lahat to mabago (yeah yeah yeah)
2nd Verse (Smugglaz) :
Tulala sa kalayuan
panaginip ko’y binaon ko mula sa unan
paligid mo punong puno ng katanungan
naghahanap ng kasagutan makatarungan
sa dami mga nangyari di ko na nga masabi
atras ba o abante na lang
hindi ko na nga malaman
kung meron bang daanan
o dulo na lang hangganan .
Tandaan mo lang palagi magpatalo ay di maaari
sa puso mo ay naghahari
ang pag asa na balang araw makakabangon muli.
Chorus:
Ako ay nagapi natalo
sa kadiliman ay naiwan na ko
tila mga paa’y naka’kandado
sa impiyerno na nakakapaso
tumakbo sa malayo
gusto ko lahat to mabago (yeah yeah yeah)
Repeat Chorus