Ikaw Na Sana

Lyrics: John Roa Music: John Roa Wohh hoh… ‘Di ko akalaing mahuhulog sa iyo Sa dami-rami ng lalaki sa mundong ito Lahat ay nag-iba nung dumating ka na Sa buhay ko wala nang hahanapin pang iba
Kundi ikaw lang aking kahinaan Ikaw ang kailangan at inaasahan ko na Makasama hanggang sa pagtanda Yakap mo ‘ko hanggang Sa ‘ting huling hininga
Ikaw ang laging nais makasama At sana ‘di na lumayo pa Ikaw ang tanging hinahanap sa tuwina At sana ‘di na lumayo pa
Ikaw na sana Ang makasama Ikaw na sana Hanggang sa ating huling hininga
‘Di ko akalaing mangyayari ang ganto Ang tagal ko naghintay na makatagpo ng tulad mo Sa ‘yo ko lang naramdaman ang totoong pagmamahal Bigay sa ‘kin ng Maykapal sagot sa ‘king mga dasal
Dahil ikaw lang aking kahinaan Ikaw ang kailangan at inaasahan ko na Makasama hanggang sa pagtanda Yakap mo ‘ko hanggang Sa ‘ting huling hininga
Ikaw ang laging nais makasama At sana ‘di na lumayo pa Ikaw ang tanging hinahanap sa tuwina At sana ‘di na lumayo pa
Ikaw na sana Ang makasama Ikaw na sana Hanggang sa ating huling hininga
‘Di ka iiwan, kahit ano pang Mangyari, tanging ikaw lang Ang pipiliin ko, ang iibigin ko
Ikaw ang natatanging nakalaan sa akin ‘Di ko sasayangin Aking pinapanalangin na makasama ka hanggang sa ating pagtanda Mamahalin kita kahit buhok pa natin ay kumupas na
Ikaw ang laging nais makasama At sana ‘di na lumayo pa Ikaw ang tanging hinahanap sa tuwina At sana ‘di na lumayo pa
Ikaw na sana Ang makasama Ikaw na sana Hanggang sa ating huling hininga
Sana ay ikaw na nga Pangarap ko’y ikaw na nga Oh hoh sana’y ikaw na nga Sana tayo ang itinakda