Lyrics: Jasper Lloyd Tan/Edsann Soleil Misalucha Music: Wilbert Raagas Tan Hindi ito tungkol sa mga regalo O kaya'y sa'king mga panalo Isinilang ang isang sanggol Na higit pa sa inihandang parol
Hindi ito tungkol kay santa clause O sa mga pailaw at dekorasyon Si Hesu Kristo ang dahilan Kaarawan nya ay ipagdiwang
Ang tunay na diwa ng pasko Ay ang sanggol na Kristo Nang isilang sa mundo Sakanyang pagdating ay pinagpala tayo Tayo ay magbigayan Tayo ay magmahalan Si Hesus ang sentro ng pasko
Grasya at pag asa ang kanyang taglay Ipagbunyi natin ang kanyang buhay Regalo ng poong maykapal Tanggapin natin ang kanyang pagmamahal
Ang tunay na diwa ng pasko Ay ang sanggol na Kristo Nang isilang sa mundo Sakanyang pagdating ay pinagpala tayo Tayo ay magbigayan Tayo ay magmahalan Si Hesus ang sentro ng pasko
Ang tunay na diwa ng pasko Pag alala kay Hesu Kristo Isinilang na simpleng tao Ng kanyang ama't inang busilak ang puso Tayong lahat ay magdiwang Sa araw ng kanyang pagsilang
Ang kanyang pagdating ay may dalang pag asa Siya ay andirito na Tayo’y magdiwang at magsaya Si Hesu Kristo ang diwa ng pasko