Lyrics: Rene Reg Rubio II
Music: Rene Reg Rubio II
Paulit ulit na balik sa umpisa
Pang ilang gulong na naman sa putikan
Pang ilang sabit di ko na matandaan
Pang ilang sugat di ko na maramdaman
Kailangan mabawasan mga pasan
Mga bagaheng sumasabog lang ang laman
Onting ilaw naman dito sa may kanal
Napakausok ng daan
Di maka dama
Ubos ang bala
Buti na lang
Itak matalas
Abot to bukas
Ikaw man ang harang
Sana may chansa
Aking hiling
Di pa mahanap
Di pa mahuli
Baka may chamba
May para sa akin
Sana tamaan
Sana makamit
Kamalasan ang nagbalasa ng mga hawak na baraha
Kadalasan ay iwas pusoy lang ang natitirang maniobra
Talo na nga
Nadadaya kapa
Kada bunot kapos
walang digang sapat
Matatapos ba to?
Nagbabayad lahat
Onting hangin naman
Pa hinga lang
Di maka dama
Ubos ang bala
Buti na lang
Itak matalas
Abot to bukas
Ikaw man ang harang
Sana may chansa
Aking hiling
Di pa mahanap
Di pa mahuli
Baka may chamba
May para sa akin
Sana tamaan
Sana makamit
Nakamasid sa ulap, baka pwedeng makausad
Pantanggal kati sa utak, baka merong makausap
Gamit ang kawan ng mga sinanay na kalapati
Bakasakaling may maitawid akong mensahe
Pasigaw na bumubulong sa kawalan
Balisang ibong umaasang pakawalan
Dumating man yung araw na di mo nako tangkilikin
Wala ng nakikinig ng mga likhang awitin
Anuman ang yong sabihin, di mo man ako piliin
Ako'y mananatiling magiging alagad ng sining
Minsan talagang ubos, masahol pa sa basang upos
Sunod sunod ang mga nilagpasang unos
Tumatakbo yung oras, kita mo na boy?
Hinihingi ng panahong tumira ng alahoy
Mapaglarong tadhana, ubod ng kulit
Minsan masaya, minsan malupit
Lapit nakong maubos, san kaya pwedeng gumet?
Tatlong tuldok, tatlong gitling, tatlong tuldok ulit
Sana may chansa
Aking hiling
Di pa mahanap
Di pa mahuli
Baka may chamba
May para sa akin
Sana tamaan
Sana makamit
Ilang ulit mang tumirik ang sinasakyang karwahe
Kahit anong mangyare, tuloy sa pag atake
Di ko alintana ang haba ng byahe
Umaasang may paraiso sa disyerto ng Mojave