Rapstar

Lyrics: Archie Dela Cruz Music: Archie Dela Cruz Di niyo na pwede masisi kung ba't gan'to  Ginaganapan ko lang na natural  Tsaka inagapan ko na mautal  Nilaban, sinugal, ginapang, minahal  Katagalan, natutunan ko nang tumagal  Tsaka alam ko naman na inaabangan  Na sana tabangan 'yung papakawalan  Para 'di naabangan  Kaso nga lang palaban na batang Alabang Kinalakihan na galingan nang galingan  Kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin  'Di ko namalayang na malayong malayo na pala  Na 'yung narating pati ako napaling  Mga naniwala 'di ko pwedeng biguin  'Di ko pwede pakitaan na bitin  Mga tenga na kailangan busugin ko pa din Kahit kabisado na kilitiin  Alam ko na may mata na nagbabantay  Kung pa'no ako sasablay, matyagang nag-aantay  Kung kailan ako tatamlay at lalaylay  'Yung mga laway na laway na  Makita ako na mahina umay na umay na manira  Ngalay na ngalay na manghila  Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay Nung napasarap mag rap ang daming nagbago  Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao  Daming nagtulak sa'kin palaging maging ganado  Palaging plakado  'pag gumalaw palaging planado  Daming pasabog kailangan  'pag malawak ang sakop  Ikaw din ang talo sa laban  'pag nabalot ng takot kung sa'n ka aabot  Hakutin lahat nang mahahakot  'Yung dami ng pagod ay may sukli  'pag 'di ka madamot  At kung hindi ko tyinaga baka  Nauwi na sa wala ganito pala 'to kalala  Kita mo naman ang napala  Pa'no kung hindi ko ginawa  'yung iba 'di makahalata  Malaki na ang nakataya  Marami na pwede mawala  Kaya 'di na pwede pabaya  Hindi pwede puro mamaya  Baka sa huli mapahiya, totoo na parang himala  Nagsimula sa ibaba, tiningala  Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa  Gumanda pa 'yung kalidad  'di mo nakitang binaba  Dumarami pang nagdududa  Puro kilos ang inuuna  Ngayon kita mo namumunga, tumutubo na  Napakarami ko nakukuha pero 'di  Pa rin nalulula  Ta's sa ugali wala pa ring binago  Tao pa rin 'pag humaharap sa tao  Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko  Literal na may bago kang aabangan  Sa tuwing may ilalabas na bago  'Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi  Para mas lalo sila ganahan  'di 'yung mga bago ko hanapin  'Yung iba naman nababawan pero  'di na para atupagin  'Di kasi nila maunawaan na  'yung bulsa ko pinapalalim  Kahit papa'no naman naganapan  Ko paunti paunti  Gumalaw ng pino, hindi maitatanggi  Iba din na laking Munti  Tila may anting-anting sa galing  Himala 'yung kuting ay naging kambing  Sa dami ng hinain na putahe  Pwedeng akalain malaking canteen  'Yung iba nakahalata na sa pang-anim na plaka  Nagiging malala bigla  Lalo 'pag babaliktad na binasa  Bago magawa ang 'di ko pa  Nagagawa maiba lang ang lasa  Para maipakita ko na 'di ako  Gumagawa nang basta basta  Ngayon lalo pang nananabik  Kasi meron nang bumabalik  Gagawin ko pa rin nang gagawin  Ngayon sa'n pa kaya ako nito dadalhin  Subok na subok na 'yung  Lagi niyong sinusubok 'to 'Yung mga nanubok  'yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong  'Eto na ngayon 'yung mga  Sinabihan niyong gunggong  Sa tuktok na kami tumutungtong  'eto 'yung hindi niyo matutunton  Tsaka ramdam niyo na rin na  Pataas kami nang pataas  Kada labas kahit hindi madalas  Palakas pa rin nang palakas  Sa'min na 'tong palabas  Mabanas kayo nang mabanas  Pagka-usapang 'Pinas  Pasok kami d'yan hindi na mapapalabas  'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no  Kasi kitang-kita niyo naman  Malinaw pa sa klaro  Sarili na lang ang tinatalo, oo  Wala nang iba  Halata kasi nga nung 'yung uso naiba  Oh, 'di ba 'yung iba nabura