Lyrics: Adrian Crisanto/ThirdFlo
Music: Adrian Crisanto
Kay-rami mong pangarap
Ngunit ‘di alam ang kabuluhan ng hinaharap
Kay tagal mong binuo
Sa isang iglap ay natupok at naging abo
Sadyang mapagbiro nga naman ang buhay
Hindi mo pa nakukuha’y kailangan nang ibigay
Kapos na sa pag-asa, tutuloy pa ba?
Huwag kang papipipigil
Kahit ano pa ang sabihin nila
Hinding hindi ka na ma-aapula
Ang apoy na nasa puso mo
Makikita ng buong mundo
Maliit man ang ‘yong nasimulan
Magliliyab din ang ‘yong nasindihan
Ang apoy na nasa puso mo
Nagmula sa isang posporo
‘Wag kang manghinayang
Kapag natuto’y walang nasasayang
Mga bulong na panalangin
Balang araw ay diringgin
Mga aral na babaunin
Sa liwanag ka dadalhin
Ang sugatan ay nag-aalab ang lakas
At pag-ibig ang natatangi mong alas
Kahit ano pa ang sabihin nila
Hinding hindi ka na ma-aapula
Ang apoy na nasa puso mo
Makikita ng buong mundo
Maliit man ang ‘yong nasimulan
Magliliyab din ang ‘yong nasindihan
Ang apoy na nasa puso mo
Nagmula sa isang posporo
Mula sa sakripisyo kaya dedikado
Ituloy itong laro kahit na delikado
Sa dami na ng dagok, ba’t pa ihihinto?
Unti-unting hakbang lang, basta hindi sumuko
Mga hapdi ang nagpatindi
Sakit ang nagpa-sindi ng apoy sa dibdib
Kaya hindi na mapipigil
Mga sabi-sabi, ‘di tumalab
Mas nagliyab lang ng husto
Ginantihan ng pagmamahal
Liwanag ang ‘papasa ko
Pasa mo
Sanlibong hindi
Takot na ‘di mapawi
Hindi mapakali
Susuko bang muli?
Ang tunay na kapangyarihan
Ay nasa ‘yong nasimulan
Kahit na unti-unti
Patak patak o dahan-dahan
Nag-aalab na bukas
Silaban mo na ngayon
Kahit ano pa ang sabihin nila
Hinding hindi ka na ma-aapula
Ang apoy na nasa puso mo
Makikita ng buong mundo
Maliit man ang ‘yong nasimulan
Magliliyab din ang ‘yong nasindihan
Ang apoy na nasa puso mo
Nagmula sa isang posporo
Kahit ano pa ang sabihin nila
Hinding hindi ka na ma-aapula
Ang apoy na nasa puso mo
Makikita ng buong mundo
Maliit man ang ‘yong nasimulan
Magliliyab din ang ‘yong nasindihan
Ang apoy na nasa puso mo
Nagmula sa isang posporo