Kumpisal

Lyrics: Vladimir Igman Tarubal/Angelo Aspillaga Music: Benedict Sy Ako ulit 'to God at patawad sa mga kasalanan ko sa mga nasaktan ko na 'di ko sinadya at sa mga sinadya ko Mula sa kaibuturan ng puso humihingi ng saklolo Seryoso na ko God patawad para maka save ako save mo ko Kayo po ang anak ng Tao hindi ba? Pero bakit ipinapako ka nila Kung tunay ngang Ikaw ang Mesiyas bakit ang sarili hindi isinalba Sa halip binura ang pagkakasala Alam mo nakakatawa ka talaga paano mo kami binibigyang halaga di talaga ko sayo makapaniwala nagawa mong matanggap nang buo tulad ko na hindi naman kumpleto kung kayo nga po ay totoo bakit nariyan pa rin ang bulong ng demonyo bakit nagdurusa pa rin ang mga tao maski na magsumamo sila sayo natanong ko lang ang lahat ng to gusto lang naman pong maging klaro sakali na dumating ang punto na magkita tayo sa pintuan ng iyong banal na paraiso Ako ulit 'to God at patawad sa mga kasalanan ko sa mga nasaktan ko na 'di ko sinadya at sa mga sinadya ko Mula sa kaibuturan ng puso humihingi ng saklolo Seryoso na ko God patawad para maka save ako save mo ko Lahat ng 'yon ay nagiba magmula nang nakilala kita Tunay ngang mahiwaga ang salita hindi porke na walang pisikal na nakikita Hindi ko na agad paniniwalaan sapat na ang hiwaga mo na palaging nariyan Para Ikaw ay aking kapitan at kabiliban Pasensya kung ako Sa'yo ay nagduda Naligaw at nagiba ng tinatahak na ruta Buti na lang at naghilamos ng mukha Luminaw ang mata naalis ang mga muta Dahan-dahan ko nang napagtanto Kahit ikay hinusgahan ng tao Pinag tulung-tulungan ka na mapako Nang dahil sa maling pagkilala Isang bagay lang ang hindi mapagkakaila Karapat-dapat ka sa aming pagdakila Kasi nga Ikaw ang Hesukristo Ang tunay na anak ng Tao katuparan ng nagiisang pangako Ako ulit 'to God at patawad sa mga kasalanan ko sa mga nasaktan ko na 'di ko sinadya at sa mga sinadya ko Mula sa kaibuturan ng puso humihingi ng saklolo Seryoso na ko God patawad para maka save ako save mo ko save mo ko