Totoo

Lyrics: Kenaniah Lambio Music: Kenaniah Lambio Nilibot ang mundo para lamang hanapin Hinahanap ang tunay na pagmamahal Pwede naman na kung sino na lang maaari Ang tanong lang naman ay kung magtatagal kami
Minahal ko naman Pero bakit ako ang nasaktan Ayaw ko ng gan’to Gusto ko lang ay totoo
Dumadami na rin ang mga nagsasabi Balang araw ay kakailanganin mo ‘yan (balang araw kakailanganin mo ‘yan) Baka madama na naman ang dalamhati Ayaw ko na ito na maramdaman muli
Minahal ko naman Pero bakit ako ang nasaktan Ayaw ko ng gan’to Gusto ko lang ay totoo
(Gusto ko lang ay totoo) (Gusto ko lang ay totoo)
Minahal ko naman Pero bakit ako ang nasaktan (bakit ako baby) Ayaw ko ng gan’to (ba’t ba gan’to) Gusto ko lang ay totoo Ginawa ang lahat (ang lahat) Pero kelan ba magiging sapat (ooh) Ayaw ko na sa ‘yo (kasi) Gusto ko lang ay totoo
(Gusto ko lang ay totoo) (Gusto ko lang ay totoo)