Odnum (feat. Rabeast Cat)

Lyrics: Lou Ashley Gonzales Isidro Music: Lou Ashley Gonzales Isidro Daming nakabanggaan bago pa ko tumalim, nakipagsabayan sa tadhana humalik Layo ng inabot di na pwedeng bumalik, di pa siguradong gusto ko nang pumanik
Yeah, daming mga bagay pa ang gustong magawa Eh, ayokong aking oras mauwi lang sa wala Eh, minsan lang mabuhay yoko pa na dumapa yeah
Lahat tulala pag nawala (wooh) Yeah, sariling kayauhan kinalaban Yeah, baka matauhan sa mundo Gusto kong maliwanagan ng husto (Uh) Di mo ko kagaya boy tabi wag magulo (Aye Aye)
Di basta karanasan ang dinaanan, tumagal na meron din pinaglalaban Ang mabuhay sa mundo ay karangalan, di binalak mabangan ka di ko yun kasalanan
(Hanapin mo ko) Ohhhh Sumalangit nawa ang kaluluwa ko na naligaw, naghahanap ng hiwaga yeah yeah Sa mataas na tumama, di na mapababa yeah
Aye, focus lang sa puntirya yeah Musika tinatarya, buhay ang sinasalba Buhay ko ang nakasalya, sa mundo ko nakasalta sobrang dami di mabilabg mga ipon barya
Yeah, markado sa ulo mo nakaasinta Walang tulog atat makapunta, kung san itinodo ko lahat yung pusta Dati di pasok ngayon tumatagos na aye Daming nadaanan mga buhay don sa byahe, daming kulay lahat sila ibang klase
Lalo na ko mas ako yung ibang klase Tipong laging pinalalabas sa klase Pero walang oras na binabakante Bata palang walong oras na sa kalye Di magawang maglibang, hindi kampante Kailangan humagilap ng pagkain Hindi pwedeng humiling nalang sa hangin Hindi pwedeng idaan sa panalangin Dumadaan ang oras bawal pabagalin Sisikapin bawat oras pabagain