Lyrics: King Badger Music: King Badger ‘Di na asang mapatawad mo pa Dami nang maling nagawa Sa sorry ko baka matawa Ka lang kaya ‘di na tinangka
But, sorry na kasi hindi naman perpekto Tao lang ako sadyang meron ding depekto Sorry na ulit, mali kung ‘di pa nakuntento Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno
Sadyang merong mga bagay tayong sa huli Na pagsisisihan, uulitin pa uli Talagang matigas ang ulo, parang ayaw matuto Madaming nakapagsabi na kawawa ka sa dulo
Pero ‘di nakinig, ngayon sa’n pa ‘ko pupunta Kung lahat na sila parang gusto na ‘kong isumpa Mabilis nawala, yung ikaw kaya tutungga Na lang ako hanggang sa sahig ay tumumba
Para ‘di na maalala pa, mga bagay na sinayang ko Nung ikaw ay nasugatan, ‘di ka naingatan, lahat kasalanan ko At alam ko na mahirap na, na ako'y paniwalaan mo Masakit din naman sa ‘kin ‘to, ‘yun ang gusto ko lang na malaman mo
‘Di na asang mapatawad mo pa Dami nang maling nagawa Sa sorry ko baka matawa Ka lang kaya ‘di na tinangka
But, sorry na kasi hindi naman perpekto Tao lang ako sadyang meron ding depekto Sorry na ulit, mali kung ‘di pa nakuntento Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno
Nahihirapan ka, alam ko din naman (aking alam) ‘Di mo man sabihin ‘yan (hmm) Alam ko ding umiiyak ka na naman (umiiyak) At ako ang dahilan (yo)
Gusto ka sanang patawanin kaso madalas pang paluhain Puro galit ang naihain, ‘di na magawa pang pahupain ‘Di na binabalak na kuhanin, ‘yung tiwala mo sa akin na hinangin Basta lagi lang ingatan ang sarili Pwede mo ba na gawin ‘yon para sa ‘kin
Para ‘di na maalala pa, mga bagay na sinayang ko Nung ikaw ay nasugatan, ‘di ka naingatan, lahat kasalanan ko At alam ko na mahirap na, na ako'y paniwalaan mo Masakit din naman sa ‘kin ‘to ‘yun ang gusto ko lang na malaman mo
‘Di na asang mapatawad mo pa Dami nang maling nagawa Sa sorry ko baka matawa Ka lang kaya ‘di na tinangka
But, sorry na kasi hindi naman perpekto Tao lang ako sadyang meron ding depekto Sorry na ulit, mali kung ‘di pa nakuntento Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno
Sayang ‘di ko nagawang tuparin ‘Yung pangakong ‘di ka papaiyakin Ngayon ‘di na alam ang gagawin Dahil ‘di ka na sa ‘kin babalik
Dapat tayo pa sana, sana uli Dapat akin pa sana kung nagpakabait Dapat tayo pa sana, sana uli Dapat akin pa sana kung nagpakabait
‘Di na asang mapatawad mo pa Dami nang maling nagawa Sa sorry ko baka matawa Ka lang kaya ‘di na tinangka
But, sorry na kasi hindi naman perpekto Tao lang ako sadyang meron ding depekto Sorry na ulit, mali kung ‘di pa nakuntento Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno
Sorry na kasi hindi naman perpekto Tao lang ako sadyang meron ding depekto Sorry na ulit, mali na ‘di pa nakuntento Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno