Lyrics: Crisner Mercado
Music: Crisner Mercado
Trabaho na muna
Pero ikaw ang gusto ko laging makita
Sa araw-araw
Ito ang natatanging magandang balita
Paningin ko man malabo
Merong pagtingin na ‘di kaya na itago
Pwede ba ‘ko na dumayo
Sa kinauupuan mong ‘di ga’nong kalayo
Nais makausap
Katulad mong kay tagal nang hinanahap
‘Di ko mabilang ang sulyap
Pukaw sa mata mong halos wala nang talukap
Gandang dalaga naka-maskara
Haharanahin ka sa ‘yong bintana
‘Yong pinapana pansinin sana
Ang laging pangarap ika’y makasama
Sa bawat oras ay tumatakbo sa isip
Hintay sa pagkakataon
Ika’y mapapasilip sa akin
Bawat sandali tunaw sa kakatitig
Ang aking pagtingin na sana ‘to’y maging pag-ibig
Sa atin
At ako nga ay nahulog na
Sa mga ngiti mong kay ganda
‘Di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto ko man ‘tong sabihin eh ‘di bale ‘wag na lang
At ako nga ay nahulog na
Sa mga ngiti mong kay ganda
‘Di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto ko man ‘tong sabihin eh ‘di bale ‘wag na lang
Hanggang sa aking pagtulog
Nakikita’t nakakasama ka
Sa panaginip ikaw lang palagi ang nilalaman
Hanggang sa aking paggising ikaw ang siyang dahilan
Thea, Thea
Sa’n ka man na pumunta
Laging nakasunod ang aking mata
‘Di ko mapigil napapatigil
Sa paghakbang aking mga paa
Mula sa aking kinatatayuan
Tanaw ang ganda kahit malayuan
Gusto ko sana na malapitan
Pangarap ko na lagi matabihan
Ang isang katulad mo na palaging bumubungad
Larawan mo sa ‘king pitaka ay talaga naman na mapapamulat
Buhok mo na kulay abo
Hindi hindi ako malilito
Dinami-daming mga babae
Sa ‘yong sa ‘yo lang ang paningin ko kasi
Sa bawat oras ay tumatakbo sa isip
Hintay sa pagkakataon na ika’y mapapasilip
Sa akin