Lyrics: Kiko "kikx" Salazar
Music: Kiko "kikx" Salazar
Dapat mong mabatid
Ang nadarama
Puso'y bihag pa ri't
Wag mangangamba
Dahil walang papalit
Sa iyo sinta
Iyong-iyo pa rin
At di mawawala
Aking pagmamahal ..dahil
Chorus
Di pa rin masanay pag wala ka at
Di ka makita
Di ka rin nawawala sa alaala
Giliw di pa rin masanay sa yong tawa
Araw at gabi'y
Di sawang ipadama
Giliw itong pagmamahal
Dahil 'tong pag ibig
Hindi pa rin nagwawakas...
Wala nang ninanais
Kundi tayo ay
Hahawak ng mahigpit
At lalaban
Sabihin man nilang mali
Ang ibigin ka
Sapat ang pag-ibig
At yun ay tama na
Aking minamahal dahil
Chorus
Di pa rin masanay pag wala ka at
Di ka makita
Di ka rin nawawala sa alaala
Giliw di pa rin masanay sa yong tawa
Araw at gabi'y
Di sawang ipadama
Giliw itong pagmamahal
Dahil 'tong pag ibig
Hindi pa rin nagwawakas...
Pagmasdan ang yong mukha
Ang pagkislap ng yong mata
Di magsasawa
Tayo'y parang himig na
Hindi pa rin kumukupas
Kaytamis na nilikha ng tadhana
Chorus
Di pa rin masanay pag wala ka at
Di ka makita
Di ka rin nawawala sa alaala
Giliw di pa rin masanay sa yong tawa
Araw at gabi'y
Di sawang ipadama
Giliw itong pagmamahal
Dahil 'tong pag ibig
Hindi pa rin nagwawakas...