Lyrics: Guillaume Conos
Music: Guillaume Conos
Hindi mo na kailangan sabihin sa'kin ang totoo
Mga drama na pinapalabas mo hindi nababagay sa'yo
Sana nga tumigil ka na sa matagalan na pang gugulo mo
Kahit ano pang pangako 'lam mong hindi na maaayos ito
'Di na maaayos ito
Kahit anong pagbabago mo
Lagi lang ako napupuno
Ang mga away natin ilang beses na nangyayari sa isang linggo
Sabi mo sa'kin ika'y sabik
Pero sa iba bumabalik
Halatang peke na lang ang mga binibigay mo sa'king mga halik
Bakit ang daming rason na di naman totoo?
Lagi na lang palaban kaya wala na nga kong tiwala sa'yo
Sa mga sigaw lang nagpapasahan
Maayos ka lang sa aking harapan
'Di na nga kita pinapalagan
Pero iba yung pinapalabas mo
Kala ko kalawakan lang maghihiwalay sa'tin
Pero bakit mo gusto lagi lumayo sakin?
Yeah, kala ko'y tayo
Pero bakit ang labo?
Ikaw ang rason kung ba't ayaw ko na ngang umibig muli
Sabi mo lumaban pero bakit ka mahina?
Mahal mo ba talaga ako parang hindi na
Kada away natin dalawa para kang bida
Para sa'ting dalawa tila parang ubos na
Bakit ang daming rason?
'Di mo ba naisip na masasayang lang ang panahon
Ginawa ko rin naman ang lahat pero bakit ganon?
Binalewala mo lang ako at iyong pinagtatapon
Kala ko kalawakan lang maghihiwalay sa'tin
Pero bakit mo gusto lagi lumayo sakin?
Yeah, kala ko'y tayo
Pero bakit ang labo?
Ikaw ang rason kung ba't ayaw ko na ngang umibig muli
Ang daming rason na 'di naman totoo
Lagi na lang palaban kaya wala na nga kong tiwala sa'yo
Sa mga sigaw lang nagpapasahan
Maayos ka lang saking harapan
'Di na nga kita pinapalagan
Pero iba yung pinapalabas mo
Kala ko kalawakan lang maghihiwalay sa'tin
Pero bakit mo gusto lagi lumayo sakin?
Yeah, kala ko'y tayo
Pero bakit ang labo?
Ikaw ang rason kung ba't ayaw ko na ngang umibig muli