eksperimento

Lyrics: Guillaume Conos/Apollo Ramos Music: Guillaume Conos/Apollo Ramos 'Lam ko naman totoong 'di mo ako minahal Sana sinabi para 'di na tumagal ang nararamdaman para sa'yo Lagi na lang ganito Tingin mo sa'kin ay eksperimento
(Eksperimento lang ba talaga?) Parang 'di ko kakayanin ang mga sinabi mo sa akin Mukhang ayaw ko na 'tong pilitin Dahil nga wala nang meaning 'Di na alam ang gagawin ko Bakit ba tayo nag ka ganito Lahat ng oras binigay sa'yo Ako pa rin ay iniwan mo Ayaw ko na mapasayo Kapag sayo ako ay nalilito
'Lam ko naman totoong 'di mo ako minahal Sana sinabi para 'di na tumagal ang nararamdaman para sa'yo Lagi na lang ganito Tingin mo sa'kin ay eksperimento
'Di ko maintindihan bakit bigla ka na lang nawala Lagi mong sinasaktan kahit ginawa ko na lahat Lahat ng oras ko ay nilaan 'Di mo ma amin ba't ka ganyan Bigla bigla ka na lang nawala Mga tanong sagutin mo naman Ano ba talaga yung rason kung bakit tayo nag ka ganito Bihira na lamang mag usap halatang hati na ang atensyon mo Bakit sa iba sumama Sa kada minuto ikaw lamang iniisip ko sinta
'Lam ko naman totoong 'di mo ako minahal Sana sinabi para 'di na tumagal ang nararamdaman para sa'yo Lagi na lang ganito Tingin mo sa'kin ay eksperimento