panauhin

‘Di ko namalayan ang paglipas ng oras Kay bilis, kay bilis Huwag kang mangamba hahandaan kita ng kahit na ano Basta’t ikaw Ibibigay ko ang lahat kahit batid kong ‘di magluluwat Lilisan ka, ‘wag naman agad O dito ka nalang magpahinga, maghapunan Alam kong napagod ka
Sa paulit-ulit na ikot ng mundo Hindi alam kung sa’n ka lulugar Eh kung dumito ka nalang kaya?
Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa’yo Sa uulitin, aking panauhin
Kay tagal na rin pala nung una mong madalaw ang Aking damdamin, aking damdamin At ito na rin marahil ang napipintong Huli mong pagbisita At ako’y muling mag-iisa
Muli nanamang iikot ang mundo Patungo sa bagong tahanan mo Mahanap mo’ng paruparo
Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa’yo Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa’yo
Sa pag-alis Sa pag-alis
Sa uulitin, aking panauhin Sa uulitin, aking panauhin Sa uulitin, aking panauhin
Sa uulitin, ‘di na mabibitin Sa uulitin, ‘di na mabibitin Sa uulitin, ‘di na mabibitin Sa uulitin, ‘di na mabibitin
Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa’yo Sa pag-alis mo, giliw ko, mag-iingat ka sa bangin Mahanap mong tahanan, masaya ako para sa’yo
Sa uulitin, aking panauhin Sa muling paggising, ako’y muling ibigin O aking panauhin