Lyrics: Airon Paul P. Bayani/Regie Valdez
Music: Airon Paul P. Bayani/Regie Valdez
Gusto ko na hawakan ang mga kamay mo
Pero may iba ka pang tinatagpo
Dalawa tayo na palaban pareho tayong naglalaro
Alam kong ito ang yong gusto
Napapadalas na ang pagkikita natin
Sa mga lugar at oras na alanganin
Ang hirap ng pilitin
Hanggang kailan ko iisipin
Baka hindi ka lang sa akin ganito
Lumalabas ka ng di ko alam
Pero sa laro na to lamang ako
Kasi nalalaman ko ng di mo alam
Wag mo kong itutulad sa mga yan
Marami na rin akong narasan
Natuto na ko bago mo pa masugatan
Alisin mo pangalan ko sayong listahan
Kasi kung di mo kayang iwasan ay ako nalang ang iwasan mo
Isipin mo na di tayo nagkatagpo
Wala namang mawawala sayo
Kasi ayos ka naman nung wala pa ko sa buhay mo
Ako lang yata ang nagpagulo
Wag mo na kong isipin pa
Kasi unti unti na kong napapamahal sayo
Sayo.. sayo… sayo..
Pero pano ako?
Pano ako?
Nasanay akong nandyan ka
Parang mali na hinayaan ka
Pero kasi parang nangangamba
Alam kong talo ako pag pinaglaban pa
Ang mahirap lang hindi ka maalis
Sa isip kaya nakakainis
Napaibig mo ng napaka bilis
Na posibleng mabilis ding lumihis
Hanggat maaga pa ay inagapan
Para hindi narin mahirapan
Mangyayari din to katagalan
Inunahan na kitang iwanan
Hayaan mong hindi ka pakitaan
ng pagmamahal kahit na kahinaan kita
Lalo kung pano mo hawakan
Ang kamay ko kapag nasa paliparan
Nakakapanghinayang
Nakakapanghinayang
Nakakapanghinayang
Pero ako lang yata ang nagpagulo
Kaya dapat na itigil na
Kasi unti unti na kong napapamahal sayo
Sayo.. sayo… sayo..
Pero pano ako?
Pano ako?
(Hero bridge)
Wag mo ngang sabihin sakin
Na wala kang iba
Wag mo ng itanggi pa
Una palang alam ko na
Aminin mo na
Ba’t itatanggi pa
Alam ko naman na
Di lang ako nag-iisa
Sayo.. sayo… sayo..
Pero pano ako?
Pano ako?
Kasi unti unti na kong napapamahal sayo
Sayo.. sayo… sayo..
Pero pano ako?
Pano ako?
Hmm.. pano ako?