Kulang Ang Sandali (Backing track)

Lyrics: Natasha L. Correos Music: Natasha L. Correos ’Di ko lubusang maisip na muling mawalay sa ’yong tabi ’Di nais magising sa panaginip kung hindi ikaw ang kapiling
Refrain: Walang hanggan akong maghihintay Sa ’yo lamang iibig nang tunay
Chorus: Kulang ang sandali Sa yakap mo’t halik Ang bukas ay ’di tanaw Kung walang ikaw
Puso’y nasasabik Sa ’yong pagbabalik Kahit na kay tagal Sa ’yo ay maghihintay
Wala nang iba pang hahanapin ’Di pagpapalit sa kahit sinumang mapili
(Repeat Refrain and Chorus)
Pag-ibig sa ’yo’y ipaglalaban Tadhana man ay humadlang
(Repeat 1st verse of Chorus)
(Puso’y nasasabik) (Sa ’yong pagbabalik) Kahit na kay tagal Sa ’yo ay maghihintay
(Kulang ang sandal) (Sa yakap mo’t halik) Ang bukas ay ’di tanaw Kung walang ikaw
Puso’y nasasabik Sa ’yong pagbabalik Kahit na kay tagal Sa ’yo ay maghihintay