Tanging Ikaw

Lyrics: Alea Mei Mempin Music: Ms. Yumi Sa di sinasadyang pagkakataon
Tadhana tayo ay pinagtagpo
Di mapaliwanag ang nararamdaman
May kakaiba sa mga mata mo
I
Sa umaga palaging ikaw
Agad ang aking naiisip, ngingiti pa bigla oh
Sa bawat bagong araw, makita't mahagkan ka
Ang lagi kong hinihiling sa Maykapal
REFRAIN
Ang maalala ka palagi sa tuwina
Ang puso kong ito di mapigilan ang saya
Ano bang gagawin saking nararamdaman
Di ka maalis sa isip 'kaw lang ang laging laman
CHORUS
Sa bawat pagpikit ko
laging ang mukha mo ang nakikita ko oh~ oh~
Sa sobrang daming ingay dito
Laging ang boses mo parin ang naririnig ko oh~oh~oh~
Hinahanap ka ng puso
Anong ginawa mo dito?
Tanging ikaw ang sigaw ng dadamin ko
Sana'y naririnig mo
Nakaupo at isip -isip kita
Palagi kong ginagawa halos sa araw araw ~oh
Ramdam parin ang mga bawat halik mo sakin~~
At sa tuwing magkahawak ang ating kamay
Ayoko na talagang sakin 'kay bumitaw
Ang sarap titigan ng maganda mong mukha
Parang panaginip na paulit ulit kong nakikita
Tibok ng puso ko, oh sadyang kay bilis
Dito sa tabi ko wag na wag kang aalis
Itong aking puso na para lang sayo
Tanging ikaw sigaw kahit tumigil pa ito
CHORUS
Sa bawat pagpikit ko
laging ang mukha mo ang nakikita ko oh~ oh~
Sa sobrang daming ingay dito
Laging ang boses mo parin ang naririnig ko oh~oh~oh~
Hinahanap ka ng puso (laging hanap-hanap ka)
Anong ginawa mo dito?
Tanging ikaw (Tanging ikaw) ang sigaw ng dadamin ko
Sana'y naririnig mo
Sa di sinasadyang pagkakataon
Tadhana tayo ay pinagtagpo
Di mapaliwanag ang nararamdaman
May kakaiba sa mga mata mo