Lyrics: Edward Mesalucha/Edsann Soleil Misalucha
Music: Edward Mesalucha/Edsann Soleil Misalucha
Isang maling hakbang pag nadapa ka’y pagtatawanan
ng mga matang nagmamatyag sa dilim man o liwanag
Naghihintay, nag-aabang magkamali ka ng galaw
Asahan mong bukas ikaw na ang usap-usapan
Mga tengang kaydumi (usap-usapan)
Pandama na ang gaspang
Na may dilang matalim (usap-usapan)
Maaamoy mo’y masangsang
Silang mga nagbubulungan (usap-usapan)
na akala mo’y santo
Ngunit takot namang makita (usap-usapan)
ang sarili niyang multo
Isang maling hakbang pag nadapa ka’y pagtatawanan
ng mga matang nagmamatyag sa dilim man o liwanag
Naghihintay, nag-aabang magkamali ka ng galaw
Asahan mong bukas
Kailan kaya titigil ang inyong mga bibig
na bumabase lang sa nakita ng inyong mga matang mapanghusga at kung anong marinig
Di ba sigurado ibubulong mo na sa katabi
Balita ko marami kang naibalita
Yumaman ka ba? Patingin naman ng kita
Oh kita mo na wala namang umaasenso
Sa paghalukay ng pribadong buhay ng ‘sang tao
Anong napapala sa bawat taong nadapa?
Mas umaangat ka ba kung meron kang binababa?
Mas malinis ka na ba kung meron kang dinudungisan?
Mas mataas ka ba kung meron kang tinatapakan?
Yung usok ni Juan na nasaksihan ni Pedro
Pagpasa kay Jose umaapoy na yung sentro
Nalaman ni Maria na naglalagablab
Sa sobrang panic ang mga dala’y nagkandalaglag
Naalarma ang lahat sa usok na may interes
Ang pagkalat ng apoy wala itong kasingbilis
Hanggang umabot kay Andres na lahat tupok na
Wag na wag kang magkakamali kundi sunog ka
Ganyan sila kung magbalita halos di nag-iisip
Makipot mong nilalakaran lalong pinasisikip
Awit para sa lahat ng nagbida-bida
May gawin ka o wala pareho lang na may intriga
Sanaol chismosa para di na nagtatalo
Sanaol chismosa para patas na lang tayo
Sanaol chismosa magaling sa parinigan
at sanaol ang chismis di nanggaling sa kaibigan
Mula ulo hanggang paa
Ganyan sila kung titigan ka
Ganyan sila…
Ganyan sila…
Ganyan sila……
Taon na ang lumipas, wala pa ring kakupas-kupas
Dila nyong madudulas, mga kwento nyong dagdag-bawas
Wala naman ‘tong sahod
Ba’t di na lang kayo kumayod
Wala naman kayong ambag sa Pinas
Ang aga-aga almusal nyo’y chismisan dyan sa labas
Pagkatapos magbulungan kanya-kanya kayong kulasan
Pagtalikod nyo oh kayo naman ang magpaplastikan
Oh di ba kayo ang tunay na kanser ng lipunan?
Inggit ang sinimulan ng malubha nyong karamdaman
Ihanda na ang tambayan, mayroong pag-uusapan
Makabagong panahon kayang makipagsabayan
Sa mensaherong digital ang paksa ay kritikal
Kahit di toh pisikal aaray ka literal
Sa kwentong di lehitimo, kapwa’y lalaitin mo
Sampu ng ‘yong disipolo ito ang sasabihin ko
Manalamin ka muna bago mamuna at alamin mo muna
Kung mali ka pa’no na?
Yung nasira mong pangalan kaya mo bang ibalik?
Nagawa nyo pang tawanan at sa lupa’y ihalik
Tandaan sa bawat desisyon may dahilan kaya wala kang dahilan na desisyon nya’y husgahan
Tantanan, kung ayaw nyong matawag na palalo
Istoryang di tiyak pinapagrabe nyo pa lalo
Anong saysay na ang inyong sarili’y libangin
Kung may unti-unti ka namang tinutulak sa bangin
Isang maling hakbang pag nadapa ka’y pagtatawanan
ng mga matang nagmamatyag sa dilim man o liwanag
Naghihintay, nag-aabang magkamali ka ng galaw
Asahan mong bukas ikaw na ang usap-usapan