guho

Lyrics: Dominic F. Guyot Music: Dominic F. Guyot Dito ka lang Sa yakap kong Kanlungan ng yong Pagmamahal
Ikaw ay sapat Hali ka't ipahinga Ang pusong Pagod masaktan
Ako ang libro na nagbunga Sa yong pag aaruga Ang kwentong ito ay pang habangbuhay Nakalaan na
Wag kang matakot Dahil itong kabuohan ko ay para sayo Ikaw ang gustong makasama Kapag gumuho na ang mundo
Bawat araw, bawat sandali Nananabik at ikaw ang sanhi Bawat hangad, bawat puntahin Ang mapa ay umaakay sayo parin
Ang buwan sinangguni sayo Sa kinang hanggang sa alindog Kung di ka handa magbukas ng pinto Uukit ng susing lalaya sayo
Wag kang matakot Dahil itong kabuohan ko ay para sayo Ikaw ang gustong makasama Kapag gumuho na ang mundo
Wag kang matakot Dahil itong kabuohan ko ay para sayo Ikaw ang gustong makasama Kapag gumuho na ang mundo
Paano ba magmahal? Wag kang matakot Paano ba magmahal? Sabay lang sa agos Paano ba magmahal? Hayaan ang puso Paano ba magmahal? Tapusin ang kwento