Hindi Rin Pala

Lyrics: Perlin C. Huberit Music: Perlin C. Huberit Sayang lang ang oras na ginugol ko Hindi rin pala magiging tayo
Pagkalipas ng ilang taon Ay wala man lang naging sagot Sa mga tanong, payuhan mo aking isip
Sa hinaba-haba ng nilalakaran ko’y Wala na bang mapipisil Ibigin mo aking ibig Nasasaktan
Ano bang paraan Huwag mo lang wakasan Kahit na masaktan Tuluyang bumigay ang isip Dugtungan aking panaginip Nasasaktan
Sayang lang ang oras na ginugol ko Hindi rin pala magiging tayo Sana’y ‘di na lamang Naghintay sa ‘yo Wala rin namang sagot na oo…
Wohh, wohh, wohh, wohh, ohh…
Nasayang lang ang oras Pilitin na ang bukas Palitan mo lang ang iniisip mo Nasasaktan…
Sayang lang ang oras na ginugol ko Hindi rin pala magiging tayo Sana’y ‘di na lamang Naghintay sa ‘yo Wala rin namang sagot na oo
Bakit hindi mo na lang agad sinabi Na hindi rin pala posible Sayang lang ang oras ko nagsisisi Walang nangyari
Bakit ‘di mo na lang agad sinabi Na hindi pala posible Sayang lang ang oras ko nagsisisi Walang nangyari
Hindi rin pala magiging tayo