Lyrics: Gino Cruz
Music: Gino Cruz
Gising na sa panibagong umaga
Biniyayaan tayo ng pagkakataon
Kinabukasan ay napakahiwaga
Buksan na’ng ating imahinasyon
Dahil sa pasasalamat
Gumaan ang pabigat
At pasanin ay binuhat
Nang sama sama tayong lahat
Mga biyayang umaapaw
Mga bagong tagumpay
Sa isa’t isa aasa
Dito sa ‘ting bagong mundo
Binigyan ng bagong araw
Binigyan ng bagong buhay
Binigyan ng bagong pag-asa
Dito sa ‘ting bagong mundo
Bangon na’t harapin ang ‘yong pangarap
Talikuran na’ng mga pagtutunggali
Palawakin na ang ating pagsisikap
Sulitin ang panibagong sandali
Dahil sa pasasalamat
Gumaan ang pabigat
At pasanin ay binuhat
Nang sama sama tayong lahat
Mga biyayang umaapaw
Mga bagong tagumpay
Sa isa’t isa aasa
Dito sa ‘ting bagong mundo
Binigyan ng bagong araw
Binigyan ng bagong buhay
Binigyan ng bagong pag-asa
Dito sa ‘ting bagong
Dito sa ‘ting bagong mundo
Mga biyayang umaapaw
Mga bagong tagumpay
Sa isa’t isa aasa
Dito sa ‘ting bagong mundo
Binigyan ng bagong araw
Binigyan ng bagong buhay
Binigyan ng bagong pag-asa
Dito sa ‘ting bagong mundo
Dito sa ‘ting bagong mundo