Lyrics: Lester N. Labayog
Music: Lester N. Labayog
Mic check 1 2
Okay, okay..
Wooh!
Dami kong mga balakin on checklist
Kasama ko ang gang sa isang objective
Malunod sa araw-araw though hectic
Sa dala namin na wave we got no dead fish,
Sa bihis makikita mo na poetic,
Sinuot ko ang pangarap so I go get big
Matupad kaya 'to malay mo next week
Manalo-matalo kasama ang collective
Lagi naka-A Game, sa gabi o day break, vison ko ang playmate ooh
Kung may naka mayday sa mga 'di kj, kahit na 'di payday make way ooh
'Di lang naka mic check 1,2, adlib , IQ, ay mala-MJ
Konektado na sa gateway ng manila dahil magaling na parang Fetty Wap ng NJ wooh!
Bakit ba laging seryoso? 'kala mo kasintahan na seloso,
Madamot sa mga kantang naitonong orig kasi 'di lang basta pang-endorso
Matalino akong sasagot 'di para bastang magdadabog pag diniss niyo ko
Sa mga tsansa'y gutom parang osong nagtatagong manakit pag inistorbo
Lalakbay na merong kahabaan, kahit madilim at mangapa man,
Ang loob ko ay may kababaan, 'di mo makikitang lalakad sa kayabangan
Kung maririnig mo samantalang agresibo man ako ay gusto ko lang ng resibo ng mayaman
Kahit na manghina ang espirito na lumalaban, papagalingin ko ang sarili parang shaman
1:36
Next na in line, puwes, be the best sa mga pwedeng pwede mong i-flex,
Pakiramdam mo ay less pero dagdagan mo at wala na si ex,
Sarili munang ka-sesh kahit sistema ay 'di mabiles,
Pisi ko sa mga wex walang namaste, 'di na Indiano ang specs!
'Labas ang maleta, tara mangolekta na tayo ng pera
Anumang mgaagenda basta walang tengga, hudyat mo 'to, 'di na uso ang antenna
Sa gusto lang nakarekta, ang meta, talento ko ang 'Binebenta,
Lahat naman ng haciendang nakatayo ay nilakaran dati na bangketa
Binubuo na ang mga pyesa, binabalak na ang mga video sa petsa
Upang ganapin ang mga hilig sa karera, animated na sa mga letra
'Pag sinabi ko sa 'yo na theta, di yan panunukat lang na mapabilang sa nakahilera
Matematika na nakapipikon, akala mo si Kirito na malakas agad doon sa beta
'Di naniwala sa malas, diskarte ay pinatalas, kita mo ang pinamalas?
'Di nag-ugaling bayabas, damit ko'y paggalang na patas at hoodieng maangas
Pinapasan ay bagahe ng mga 'di maniwala sa mapa ko't canvas
Rebelyon ko'y nasa kalye, sa astang panginoon ay makabagong Atlas
Dami kong mga balakin on checklist
Kasama ko ang gang sa isang objective
Malunod sa araw-araw though hectic
Sa dala namin na wave we got no dead fish,
Sa bihis makikita mo na poetic,
Sinuot ko ang pangarap so I go get big
Matupad kaya 'to malay mo next week
Manalo-matalo kasama ang collective
We the troupe, we the troupe
We the, we the ooh
We the troupe, we the troupe
We the, we the
Dami kong mga balakin on checklist
kasama ko ang gang sa isang objective
E-l-i-o