HULI KA!

Lyrics: Jake Montaño/Genesis Tone/John Alvaran/Joseph Madelo/John Albert Yaguil Music: Jake Montaño/Genesis Tone/John Alvaran/Joseph Madelo/John Albert Yaguil Hook: Huli kana men, yeah la ka ng takas this time. Papatulan kita kahit pa sa fist fight. Halatang mismatch, pare hindi to diss track yeah Ito’y babala lang, sa mga walang bilib sakin.
Huli kana men, yeah la ka ng takas this time. Papatulan kita kahit pa sa fist fight Halatang mismatch, pare hindi to diss track yeah Ito’y babala lang, sa mga walang bilib sakin. HULI KANA MEN!
Smicc: Pagkatapak ko sa entablado Lahat sila saken halos ayaw maniwala. Naranig ang mga bara, ko na di pa tama Sabi saken etong batang to daig pa mama. Di ko kasalanan kung hindi nako nagsawa Bumuo ng mga balang pasabog mala granada Katuwang ang panama napakahaba kakagana na ganon ang tunay na kahulugan ng parada!
Sige sige ratrat! Pero siguraduhin mong di yan puro satsat Bago ka bumakbak, ibuka ang pakpak Kaso sigurado sa lapag paden naman kita mapapabagsak Pag ako nakatapat, walang makasaksak Salita'y mistulang bola pag ako dumakdak. Nilaro ang mga letra nakabuo ng piyesa pagkatapos maisulat ay humahalakhak.
Kung trip mo mag-pabida, Sige pare dito lika, Mga nag-kukupal kahit tuli na Malamang ay tatabi pag bumusina. Na kameng tagaluto sa kusina, Parang gordon ramsey umusisa. Malamang sa malamang ay tatabi ang mga Feeling batikan pag mala Techn9ne bumisita!
Seppy: Daming mga dilang matabil Mga nagkalat sa paligid mga gusto lamang pumapel. Katay ka na kung inakala mong minamama yung Nag anyong anghel. Nag god-mode with the fam, Layo ka sa amin bawal dito yung huradong pinipilit bumaril Kahit di makakitil Ng mga bara sumasagasa sa tenga kaya di kana lumebel!
Dami kong nakitang sumasampa Saming mga pila-pilang bangka, Di na mapigilan na mangamba Saming malupitan na pagkatha. Mala poseidon pag di na tulog Sa bardagulan din kame ay hubog Kaya wag subukan baka malubog.
Kaliwa't-kanan man ang bulungan Pero di namin yan tinutulugan Mga papugay, pawis puhunan Di lang basta dinaan sa hilingan Sila kangkungan ang natipuhang Ibato saming mga kataga Minsan lang naman kaming nawala Pero lahat ay napatingala.
Hook: Huli kana men, yeah la ka ng takas this time. Papatulan kita kahit pa sa fist fight. Halatang mismatch, pare hindi to diss track yeah Ito’y babala lang, sa mga walang bilib sakin. HULI KANA MEN!
Haji: Wala ng warning shot Utak ko lawak andromeda habang sayo naman tangina parking lot. Awit brad! Daming wack! Dinodomina ko yung game na parang 90's SHAC! Boombap o drill, kahit trap Matic brad buo yung loob ko sa aking craft Yung ebu mo sakin ang daming chat!
Hinihigitan lang kung sino kahapon, Tanging pangarap ko lang din ang baon, Dami mang hamon, Sakin wala yon. Nakahanda, ungos ang palong Wala ring tapon sa aking bilog Magkakasama o kahit pa solo Naka-suporta yung fam sa likod.
Iikutin mundo gamit talento, Mga hindi magagandang karanasan Ang nagpaganda sa kwento, 'Di to imbento. Mga ideya naming naging peso Sinugalan ang pagkakataon, Kaya ngayon, pangalan namen ay meron ng presyo!
Jkyyy: Y' all can't really **** with my boys Alam 'mong matikas i rep with my dawgz in this scene Subok na ang aming bilog sa engkwentro Yung pwersa tinodo' t palalakasin
Pababakatin yung pangalan ng fam Kada entablado dodominahin Kung sino kasama ko sa aking byahe Sila lang may access sa paparating
Engine on fiyaaa overheat Nandito lang para sa loot (mane) Lipad mataas yeah i'm overhead By plane na kame lumulutang Invited sa gig on a new town Ito yung sample ng pick and roll Kasama ko gang 'gang pumirma na ng cheque You know how we walk the talk
Tikas na galing sa slums Misyon at bisyon lang pinatatamaan Sige ako na masama kung sa kwento mo ay payabangan boy Huli ka noy, wala ka nang takas checkmate ka toy Huli kana, kung babakas ka pa' la ng tyansang Mapasama sa dala ko na goods tablado ka loy. (HOY!)
Hook: Huli kana men, yeah la ka ng takas this time. Papatulan kita kahit pa sa fist fight. Halatang mismatch, pare hindi to diss track yeah Ito’y babala lang, sa mga walang bilib sakin. HULI KANA MEN!
AL Beats: Parang bumagsak na Cometa Tyak ngayon sakin ay sasamain ka Lahat sila ngayon ay dadaing na, pag narinig nila ako na kaya kong lumetra Siguradong basag ang mga tenga Sa musika nakatatak hindi ‘to henna Kung napag iwanan kita pasensya, di kita kagaya eh mahilig ka sa EA
Bab, kaya wag ng pumalag, butata kada dakdak Pag bilog ko ang nasa entablado di mapapatigil kahit pa parak Goal lang namin ay pa top, hatakan lang paangat sa pag kinang ay di atat. AL BEATS MADE IT kasama ang gang nakatatak na sa aking balat.
Pinanatili kong maliit ang aking bilog yeah Kung wala ka saming hanay dapat alam mo na yon, dahil huli kana men!
Hook: Huli kana men, yeah la ka ng takas this time. Papatulan kita kahit pa sa fist fight. Halatang mismatch, pare hindi to diss track yeah Ito’y babala lang, sa mga walang bilib sakin.
Huli kana men, yeah la ka ng takas this time. Papatulan kita kahit pa sa fist fight. Halatang mismatch, pare hindi to diss track yeah Ito’y babala lang, sa mga walang bilib sakin.
HULI KANA MEN!